TAHIMIK ang biyahe pauwi ng mansyon. Kapwa tahimik ngunit magaan ang pakiramdam nina Abby at Kairi, dala ng mga halakhak at kwento sa botanical garden. Nakatingin si Abby sa labas ng bintana, habang si Kairi ay panaka-nakang sumusulyap sa dalaga sa rearview mirror na tila ba sinisikap basahin ang bawat maliit na ekspresyon ng mukha ng dalaga.
Ngunit ang kasiyahan ay agad na napalitan ng tensyon nang bumungad sa kanila ang eksena sa harap ng pintuan ng mansyon.
Isang babaeng putlang-putla, may mga pasa sa mukha at katawan, may hiwa sa labi, at halatang galing sa matinding pag-iyak ang nakatayo sa harapan ni Kenji, Keiko, at ng ilang mga kasambahay.
“Naomi…?” halos pabulong na pagtawag ni Kairi sa babae.
Napalingon si Naomi, at nang makita si Kairi ay kaagad itong tumakbo palapit sa lalaki. Niyakap niya ito nang mahigpit saka humagulgol.
“Gomen… gomen ne, Kairi… wala na akong matakbuhan…”
Nagkatinginan sina Abby at Keiko, maging si Kenji. Ramdam ni Abby ang bigat ng eksena—lalo na nang