HABANG hinahalikan ni Brandon ay itinulak ko siya. Agad akong bumangon. Itinakip ko sa hubad kong katawan ang kumot.
"What's wrong?" tanong nito sa akin. Hinalikan pa nito ang balikat ko.
Umiwas ako at tumayo, nagbihis ako. Kakatapos lang namin na magtalik kanina.
"What is wrong with you, Kara!" sigaw nito sa akin.
"Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. You had sex with Miya last night."
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Gumalaw ang nakaawang na mga labi nito. Tapos ay tinignan niya ako ng walang emosyon. Biglang naging blanko ang mukha nito.
"Then? What is wrong with that? Yes, I have sex with her last night. Happy?"
Pumatak ang luha ko. Sobrang sakit pala na marinig mula sa bibig nito ang katotohanan. Bakit nga ba ako nasasaktan? Hindi ko siya kilala ng lubusan. Am I in love with him. Nilapitan ko siya at sinampal. Hindi maawat-awat ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.
"So, iyong sinabi mo kagabi? Lahat ng iyong ay mga kasinungalingan? Pawang pagpapanggap lang?