Kara POV
Bigla akong natakot, dahil biglang nag code blue si Brandon. Hindi ako mapakali kanina.
"Akala ko, mawawala na siya sa akin nang tuluyan, Sophia."
"Alam kong hindi ka iiwan ni Brandon. Lalaban si Brandon."
Niyakap ako ni Sophia. Hinayaan ko lang ito. Hinawakan ko ang salamin ng ICU kung nasaan si Brandon. Hindi pa kami pwedeng pumasok. Lalo na't nag code blue kanina si Brandon.
"Uuwi muna tayo. Magpahinga ka. Hindi makakabuti sa iyo ang magpuyat. Buntis ka pa naman. Makakasama iyan sa bata."
"Mom."
Na estatwa ako. Tinitigan ko ang binatilyong nakatayo sa harapan ko ngayon. Bigla ay parang nananabik ako sa binatilyong nasa harapan ko ngayon. Gusto ko siyang yakapin. Pero hindi gumagalaw ang katawan ko.
"How's dad?" tanong nito.
Kumurap ako. "Brad."
"Yes, mom!"
Agad na yumakap sa akin ang anak ko. Niyakap ko naman ito. Hindi ko mapigilan ang lumuha. Malaki na ang panganay ko. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"How's dad, mom!" tanong niya ulit sa akin.
"He's not good, anak. Naging kr