Saglit pang naiwan si Kuya Derick malapit sa may pintuan habang kunot noo at naguguluhang tumingin kay Thunder.
"Ako Kulog wag mong pinagloloko kundi malilintikan ka sa akin. Siguraduhin mo lang na hindi ikaw ang manok panabong kundi makukunyatan kitang kurimaw ka!"
Nkaita kong kumibot ang bibig nito pero wala naman itong sinabi. Pati ako ay nagdududa ding tumingin sa lalaki pero wala naman akong nakikitang pagkakaiba sa ayos niya. Ang gupit, ang kilos, ang pananamit, katulad naman kay Thunder. Yung boses niya lang talaga kanina.
Nung nagsalita kasi ito, hindi sa nag-o-overthink ako or nag-aasume pero bigla kong narinig ang boses nung kakambal niya. Maybe because matagal bago ito nagpakita ulit. Last time na nagkita kami nagsabi ito sa akin na matatagalan bago siya makabalik dahil may hahanapin daw siya.
"What?" Muling baling ni Thunder kay Kuya Derick na ngayon ay mataman pa ring nakatingin sa kanya.
"Bakit parang may nagbago sa'yo? Bakit parang iba yung hangin na dala mo ngayon?