"Ate Sky, ayos ka lang po ba talaga? Kailangan ko po bang tumawag ng doctor? Ano pong nangyari?"
Sunod-sunod na tanong ni Irene mula sa kabilang linya. Gusto sana nitong pumasok sa office ko dahil may papipirmahan pero ni lock ko ang pintuan. Hindi siya pwedeng pumasok. Kahit na galit ako sa taong nasa loob ng banyo ko ngayon ayaw ko naman itong mapahiya sa ibang tao.
"I'm fine Irene. Ako na ang bahala dito. Iwan mo lang dyan sa labas yung pinabili kong mga gamit."
Nagpabili ako ng brief, pants, shirt pati na rin slides. Kung tutuusin pwede ko siyang palayasin dito at ipahiya sa mga taong nasa labas pero hindi kaya ng konsensya ko. Hindi ako pinalaki ni Lola Valeria para maging isang masamang tao. Kapag nalaman ni Lolang namahiya ako sigurado akong hindi siya magiging masaya.
"Sure ka po ba, Ate? Baka kailangan mo ng tulong ko?"
"I can do it Irene. Just cancel my meeting tonight then you can go home too. Ako na ang bahala dito."
Ako na ang bahalang magpalayas sa malignong nagpapang