Hindi ko na hinintay na muli pa itong magsalita. Nilagpasan ko na ito. Pumasok ako sa room ko para linisan ang sarili at nang makauwi na rin sa mga taong naghihintay sa akin.
Tapos na akong maligo, nakapagbihis na rin ako pero hindi pa rin ako lumalabas. Nakailang ring na ang phone ko pero wala akong lakas para sagutin ito. Nandun lang ako nakaupo at nakatulala. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nanatili sa loob ng silid ko.
Ang sabi ko noon, ayos na ako, kaya ko na. Na kung sakaling magkita man kami ayos lang. Kasi hindi naman maiiwasan dahil nasa ibang probinsya lang nakatita ang mga magulang niya at Lola ko. Alam kong darating talaga ang araw na muling magko-krus ang mga landas namin. But now that I'm here in this situation, I don't know how to react.
Akala ko ba ayos na ako pero bakit ganito?
Hindi ko pa rin mapigilan ang sariling masaktan. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naranasan ko noon sa kanila.
Matagal pa akong nanatili sa loob ng silid. Kinalma ko muna ang