I'm hypocrite if I would say that I'm not affected. Dahil sa totoo lang sobrang apektado ako na hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Galit ako kay Hunter pero hindi ko maipagkailang nag-aalala ako sa kanya. Hindi dahil sa ama siya ng mga anak ko kundi yun talaga ang nararamdaman ko.
Hindi maawat ang mga luha ko sa pag-uunahan sa aking pisngi. I feel guilty being hard to him. I should have listened to him even if I'm mad. Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin, hindi naman siya masamang tao diba?
Kanina pa ako umiiyak. Hindi mapigil ang mga luha ko habang nasa byahe kami papuntang ospital. Sinama ko na ang mga bata dahil pati ang mga ito ay nag-iiyakan na rin.
I didn't tell kids about what happened but it's so obvious that they know that I am crying because of their father. Kahit na labis ang sakit na pinaranas sa akin noon ni Hunter masakit pa rin sa akin na dumating kami sa ganitong sitwasyon. Hindi niya dapat pinarusahan ang sarili niya. Hindi sana umabot sa ganito.
Pa