CHAPTER 15
'Xandra, dalawang buwan ka ng nakahiga diyan ah? Gumising ka na please. Na mimiss ko na ang boses mo. Ang putla-putla mo na oh.'
Hinalikan niya ang kamay ng dalaga na punong-puno ng benda.
"EJ, umuwi ka na muna. Kami na ang magbabantay sa kay Lex."
Ayaw niya mang iwan ang dalagang hanggang ngayon ay nasa coma stage pa rin pero tila hindi na rin kaya ng kanyang katawan ang halos walang tulog, kain at pahina.
Malalim na ang kanyang mata at malulusog na rin ang eye bag niya. Napansin niya rin ang unti-unting pagbagsak ng timbang niya.
Madalas nga ay inaasar na siya ni Jaivee na kalansay na lang pero wala siyang pakialam. Ang gusto niya lang naman ay manatili siya sa tabi ng babaeng mahal niya noon pa man dahil sa ganung paraan lang siya makakabawi.
Oo, nalaman niya na rin na si Alexandra at Annseen ay iisa dahil ipinagtapat iyon ni Kyla.
["Hindi ko maintindihan Kyla kung anong katotohanan ang sinasabi nina Razelle at Shara. Naguguluhan din ako kung bakit sinasabi nilang huwad