CHAPTER 12
Kasalukuyang nasa canteen si EJ at kasama niya sina Alexandra at mga kaibigan nito.
Nagkakaasaran na naman ang mga magbabarkada kaya naman napuno na naman ng tawanan ang loob.
Agaw pansin ang kanilang grupo dahil sa ingay na nililikha ng nga kasama niya. Pero ang mas na ikinatutuwa niya ay ang makikipagsabayan ni Alexandra sa tawanan nila.
Napansin niyang these past days ay nagagawa na ng babae na ngumiti, madalas na rin itong magbiro na talaga namang bentang-benta sa kanila.
"Alexa?" tawag ni Razelle sa dalaga na nasa tabi niya.
"Hmm?"
"Malapit na birthday mo 'no? Anong gift ang gusto mong matanggap from me?"
"Gift? Ibigay mo sakin ang susi ng kayamanan mo."
"Luh? Wala susi lang meron ako, walang kayamanan."
"Eh? Ang ATM mo na lang..."
"No way." Nagtawanan na naman sila.
"Eh di 'wag ka ng magtanong pa, hindi mo naman maibibigay sakin."
"Iyong kaya ko lang."
"Friendship, 'yon lang."
"Ahw.... Na-touch naman ako ha?"
"Talaga? Nino? Ni Je..."
"Shut up Alexa!"
Tinawanan lang ni