CHAPTER 17
Naglalakad-lakad siya sa dalampasigan habang ninanamnam ang haplos ng sariwang hangin. Nagbibigay ito ng ginhawa sa puso't-isipan niya.
Sinadya niya talagang magising ng maaga para mapagmasdan ang pag usbong ng araw sa bughaw na kalangitan at ang reflection nito sa mala berdeng kulay ng dagat.
Nakaharap siya ngayon sa malawak at kalmadong dagat. Walang alon na bumabasag sa katahimikan ng paligid. Sa madaling sabi, nasa payapa siyang lugar ngayon.
Naiisip niya na sana nga ay ganito na lang ang buhay. Tahimik, maayos ang daloy at higit sa lahat ay walang sakit o galit na siyang nagpapalungkot sa isang tao kagaya niya.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang papasikat na nga na araw. Tila ipinapaalala nito sa kanya na pagkatapos ng mahabang kadiliman ay may liwanag pa rin na paparating, sumisimbolo ito ng bagong pag-asa.
"Iniwan na tayo ni Alexandra! Wala na siya! P-a... Patay na siya!"
Napailing na lang siya. Pilit na iwinawaksi ang lungkot na nagsisimula na namang lasunin ang kan