SUMMER POV:
Pero bakit hindi siya tumawag man lang gaya nang dati?
“Hey,” bati ko, itinutukod ko ang isang tuhod ko sa pagitan ng mahahaba niyang hita na bahagyang nakabuka sa pagkakaupo. Nakadausdos pababa ang katawan at basta na lang ang posisyon sa sofa, medyo slant, pahiga. “Masakit ba ang ulo mo?”
May problema ba?
Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa dibdib sa halip na sumagot, nakapikit. Bagong ligo siya at umabot sa ilong ko ang bango ng kanyang bodywash at after shave at sumikdo ang pangangailangan ko sa kanya.
Sa sobrang busy niya na parang may mga deadline na hinahabol, ilang araw kaming hindi nagtalik. Dumaan pa ang period ko kaya baka sexually frustrated na siya.
“Hey,” bulong sa akin. “Kamusta ang araw mo?”
Sumaklang ako sa kandungan niya, “Mabuti,” inayos ko ang puwesto ko paharap sa kanya, kinuha ko ang kamay niya na nakadikit sa kanyang noo. Matitigas yon at tensyonado kaya awtomatikong nagmasahe ang mga kamay ko. Pero ang pagod niya, parang hindi pisik