Cari
Pustaka
Beranda / Romance / THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE / BUY ME LOVE

BUY ME LOVE

Penulis: Jade Tattoo
2024-11-19 10:05:39

SUMMER POV:

Big Boss?

Baka alam niya kung nasaan si Jojo!

Magsabi daw lagi ng totoo, sabi ng tatay ko. Dahil walang sigalot o gulo na hindi nadadaan sa mabuting usapan. “Hindi po ako nagtatrabaho dito. Hindi ako GRO. Hinahanap ko lang ang kapatid ko. Si Jojo.”

Nagkatinginan si Gold Teeth at ang isa pang kasama nito na nasa likod nito, iba pa sa tatlong lalaking nakapalibot sa akin.

Nagtawanan silang dalawa. Tapos nakisali na yong tatlo pa.

Naku, gusto ko nang lumipad papunta sa pinto, pero ang mga paa ko parang nakatapak sa ibabaw ng kutsilyo. Natutumba ako. Hindi ako makagalaw, makatakbo pa kaya?

Help!

“L-Lalabas na lang ako,” bulong ko, nauutal, sumusuko. Iniisip kong maawa naman siguro sila sa akin dahil maamo pa sa puppy na basa sa gitna ng ulan ang mga mata ko.

Humarap ako sa kanilang lahat, nagpapaawa at nanginginig ang baba.

Malalaman ko kung nagsinungaling ang kapitbahay ko sa probinsya!

Pretty eyes muna, baby Summer!

“Lalabas? Ganon na lang ba yon?” Humahakbang na palapit sa akin si Gold Teeth, mukhang demonyo na ito ngayon na para bang may nilabag akong patakaran na hindi ko alam. “Tutal narito ka na, Miss Beautiful, hayaan mong dalhin ka namin sa langit. Siguradong hindi ka magsisi.” Binasa nito ng laway ang labi at dadakmain na ako sa balikat, ilang pulgada na lang.

“Anong kaguluhan ito?” Isa pang lalaki ang sumingit. Masikip na sa maliit na pasilyo dahil sa akin. Mas matangkad ito kay Gold Teeth, maraming gold na necklace na kasinglaki ng kadena ng aso namin at nagtatanggal ng tinga sa ngipin gamit ang pinky swear finger. At mas may apat pang kasama sa likuran.

Ginapangan na ako ng kilabot sa katawan. Naalala ko ang sabi ng guwapong lalaki sa labas ng bar na kapag nakaharap ko ang Big Boss baka dito na ako mamatay.

Oh, hindi. Hindi ito maganda. Umatras na ang mga paa ko, kahit pader na lang pala sa aking likuran.

Gusto kong tumakbo sa stage at humingi ng tulong, pero kanino?

“Uncle, intruder yan. Hindi raw isa sa GRO natin. Ibalato mo na sa amin, Boss!” Isa pa sa mga lalaking nakapila sa likuran niyon ang gigil na gigil na dambahin ako.

Lumingon rin ako sa exit door. Na halos sampung metro ang layo sa akin. Gusto kong lumipad papunta doon pero wala akong power.

Nakupo, iligtas mo ako, San Pedro! Promise, magpapakabait pa po ako!

Nakita kong sabay sabay silang lumalapit kaya pumikit na lang ako nang mariin nang biglang may sumigaw.

“Honey! Sweetheart! My love! Pangga! Nasaan ka na? Naghihintay ang limousine mo sa labas! Galit na si Dad!” 

Napamulat ako, nakita ko agad si Pogi, yong sumalo sa batok ko kanina, makintab siya higit sa lahat ng lalaking hinahawi niya palapit sa akin. Makapangyarihan ang aura, at parang flowerfields na naglalakad.  May hawak na black card na parang ATM at tawsen, tawsen paper bills na ginagawang pamaypay kaya kusang tumatabi sa gilid ang mga kalaban. Inakbayan agad ako at inipit ako sa leeg kaya naamoy kong mas mabango pa siya sa akin. “Sorry, guys. But this girl is mine. Hindi siya nakainom ng gamot kaya nagsasabi-sabi na naman na may hinahanap. Huhulaan ko,” iwinasiwas niya ang may 20 piraso ng paper bills sa gitna ng lahat. “Sinabi ba niya na may hinahanap siya?”

“Oo!” Sabay sabay na sigaw ng mga maton.

“Kapatid daw niya?”

“Oo!”

Ginulo niya ang buhok ko, gigil.

“Pero sa totoong  buhay, manok lang yon. Manok, as in quack, quack, quack!” Nagpapatawa ito, ma-efffort na ginagaya ang ordinaryong pato. O hindi niya alam ang pagkakaiba? Kinalog ako nang makitang nagdududa ang mga kaharap namin. “Babe, sabihin mo sa kanila, ilan ang manok natin sa farm?” Dumiin sa leeg ko ang braso niya, mas nakakasakal.

Yong totoo?

“Bente siete.” Totoo ang sagot ko.

“Lintek, abala pa rin kayo!” Ang Big Boss. “Lulumpuhin ka namin o may iba ka pang kayang ibigay?”

Inilabas ng lalaking naka akbay sa akin ang isang calling card. “My legal team is available anytime or take this money as my payment for her damages and let’s call it a day.” Seryoso na ito. Handa ng makipag basagan ng mukha. 

Pinakawalan ako, itinago sa likuran niya, humakbang siya sa harap ng Boss at  pinagpag ang coat sa pinakamaangas na paraan  saka mata sa mata nakipagtitihan sa Big Boss.

Uminit ang hangin, huminto ang mundo at naging napakahaba ng pagdaan ng ilang segundo.

Parang hihimatayin ako. Sa dami nila, puede kaming tadtarin ng pino at ihalo sa patty ng burgers o siopao.

Nangyayari yon sa movies, nakita ko!

Hinaklit ng Boss ang cash sa kamay ni Pogi.

“Alis. Huwag na kayong babalik. At sa susunod, bantayan mo ang girlfriend mo.” Hinagod uli ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Sa ganda niya, baryang-barya ang perang ito, ‘pre.”

Hinawakan ako sa kamay ni Pogi. Pinisil. Hinigit ako padikit sa kanyang likuran. “Alam ko.” Nlingon niya ang entrance. “You can ask the guards outside. Kasama ko siyang pumasok dito. Gumamit lang ako ng CR sandali.”

Sumenyas ito sa bouncers kung nagsasabi kami ng totoo. Hand gestures, na sinagot ng mga yon ng okay.

Saka lang ako kinaladkad ng lalaki palabas.

Parang galit.

Na halos matapilok ako sa bilis.

Ano ba ang kasalanan ko?

******

“SALAMAT, Sir!”

Nag bow uli ako sa lalaki, naliligo ako sa pawis sa matinding kaba. Nag uuntugan ang tuhod ko sa sobrang takot.

Ano kaya ang mangyayari sa akin kung hindi siya dumating?

Diyos ko, sinabi ko naman sa Inyo, iparanas Ninyo na pong lahat ng kahirapan at kagipitan sa buhay, huwag lang akong ma-gang rape!

Sigurado ako na mangiyak-ngiyak ako ngayon sa harap ng lalaking ito sa tindi at abot-langit na pasasalamat.

“Don’t say that,” kinalas ng lalaki ang necktie na parang hirap na hirap siyang huminga. “Hindi porke tinulungan kitang makalabas doon, you can go back to your home unscathed. Hindi ako namimigay ng pera. Ano ako, tanga? ” Ibinukas niya ang kotse sa tabi  sa kabilang panig ng manibela matapos sumakay. “Get in.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi