Share

STRAY HEARTS

Author: Jade Tattoo
last update Huling Na-update: 2024-11-19 09:42:20

LYNDON POV: 

Naglabas ako ng 1000 at agad ko ditong iniabot. Nagsenyas ito sa mga kasamahan, natutuwa, iwinawagayway ang hawak na tip, parang bata.

Tumaas ng sulok ng labi ko. Mga tao nga naman. Pare-pareho—-sa kaunting pera, bigla akong naging Dios.

Madali talagang mapansin ng kahit sino kapag signature clothes ang suot. Mamahalin pa ang aking relo. Kahit sino, yuyuko at biglang babait, hahalik pa nga sa Oxford shoes ko dahil alam nilang may pera ako.

Pwe!

Mga walang kuwenta.

Nilingon ko uli ang bouncer na kumaway pa, nagbigay galang, sumaludo bago ako humalo sa dilim at sa maraming tao.

Masakit sa ilong ang amoy ng lugar na halos nasa 300 square meters ang kabuuan ng main floor. Naghalo-halo na ang mumurahing pabango, amoy ng alak at usok ng sigarilyo at pawis ng mga tao. Kung hindi dahil sa magandang babae na yon, aatras na talaga ako at uuwi na lang sa condo.

Isa pa, kung narito ang lolo ko, sasabunin na naman ako. Sisigaw na naman yon at sasabihing gaya ng mga daliri sa kamay at paa, hindi pare-pareho ang mga tao. May mga mahihirap pa ring bukal sa kalooban ang kabutihan at hindi matatawaran ng pera ang mabuting pagkatao.

Saang parte?

Kahit ang unang babaing minahal ko, iniwan ako dahil sa lalaking mas mapera.

At ganoon din ang mga taong kumitil sa buhay ng mga magulang ko.

Siguro ang babaing nakita ko ngayon, baka ganon din?

Well, I will do everything  to find out.

Namulsa ako, nakaliyad, at parang hari sa lupa na naglakad papasok sa madilim na lugar. Nahahawi ang daan kahit wala akong ginagamit na lakas. Dahil makapangyarihan  na talaga ako nang ipinanganak. At ang bagay na yon, hindi nakukuha ng lahat.

Pretty woman, nasaan ka na? 

Isa ka rin bang demonyo na nagpapanggap na anghel sa ibabaw ng lupa?

***********

SUMMER POV:

INIHANDA ko ang aking sarili kahit nag uunahan ang pares ng pawis sa aking sentido at gumapang pababa ng pisngi ko, dala ng matinding nerbiyos. Pinalandi ko na rin ang pagtalbog ng aking balakang. Kailangang walang makahalata isa man sa tauhan ng bar ng club na hindi ako nararapat dito.

Madilim sa loob, at hirap na hirap akong lumakad sa puntong kailangan ko na yata ng saklay. Kumapit akong lalo sa sandalan ng upuan na nadaanan ko katabi ng poste kung saan ilang metro ang layo sa stage na walang tao.

Sa kaliwa ko ay hanay ng mga round tables na puno ng mga party goes. Umiinom, sumasayaw sabay sa malikot na ilaw at umiindak sa malakas na tugtog.

Nahihilo ako sa totoo lang kaya naisip ko kung ano ang masaya sa ganitong lugar.

Parang…impyerno.

Sumabay pa ang pahamak na sapatos. Eh, kung magyapak na kaya ako?

Pero hindi. Kaya ko ito. Sinimulan kong titigan isa-isa ang mga tao sa paligid ko. Inuna ko ang mga may body built na gaya ni Jojo. Matangkad ang kapatid ko, manipis ang katawan at kahit laki kami sa probinsya ay maputi dahil tisay ang aming ina.

Galing daw sa lahing kastila. Matangkad naman ang tatay ko at ako ang mas nagmana kaya maraming nagsasabing puedeng puede akong magmodelo gaya ni Jojo.

Pero bigo akong makita ang kapatid ko.

Matapos ang ilang minutong pagmamasid, umikot ako papunta  sa ibang pasilyo palayo sa pintong pinanggalingan ko, pero may bumangga sa akin—oo ako ang binangga—at nabuhusan ako ng malamig na likido sa aking damit. Mula sa waistline ng aking mini-skirt pababa sa aking legs.

Napatalon ako.

“Ayyy!” Umatras ako, pinapagpag ang aking damit. Nabasa yon at umabot sa panty ko. Alak at ang sakit sa ilong ng amoy.  “Mister, bakit naman hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” Pero nang matitigan ko ang lalaking sininghalan ko, parang ako yata ang dapat lumuhod at mag sorry.

Gangster ang kanyang mukha, parang version ni Shriek pero walang puso. Mas malaki pa ang katawan sa mga bouncers na nadaanan ko sa entrance at may…dragon na tattoo sa puno ng braso, paikot sa leeg nito at umaabot ang mga talim ng kuko hanggang sa mga daliri niya.

Naku.

Ngumisi ito. “I’m sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Pupunasan na lang kita.” Dinilaan nito ang buong palad na nanlaki ang mga mata ko sa pandidiri.

“Aba’t—” tinabig ko ang kamay nito. “Nakabasa ka na nga, manta-tyansing ka pa!” Mataray na usig ko sa kanya.

Dating Karate Trainer ang tatay ko at AWOL na sundalo kaya tinuruan kaming magkapatid kung paano ipagtatanggol ang sarili namin. Paborito kasi  si Jojo ng mga bully dahil maputla at mukhang sakitin.

Lumapad ang ngisi ng lalaki. Nagtaas ng kamay para pigilan ang dalawa pang lalaki na eentra sana at makikialam sa amin.

Bakla lang?

Tama bang pagtulungan ang kawawang magandang babae na gaya ko?

“Akin siya,” deklara nito sa mga kasama. Bumaling sa akin. “Eh, anong ginagawa mo sa loob ng club na ito kung ayaw mo sa lalaking gaya ko? Nagpapahangin? Binasa talaga kita, Miss, kasi ganyang-ganyan ang mga tipo ko…” huminto ito sa pagsasalita at hinahagod na ako ng mahalay na tingin. Pumalatak. “Tangina, pre, flawless. At amoy baby pa!”

Nakupo, Kuya, huwag po!

Tinatagan ko ang kumakalog kong tuhod at taas noo akong nagsalita.

“Paraanin mo ako! Nagmamadali ako!”

“Sandali nga, hindi ba dapat matuwa ka kasi customers na ang kusang lumalapit sa ‘yo! Sa kama din naman tayo papunta, ah!”

“Anong problema?” Isang lalaki pa ang sumingit. Naka-coat, t-shirt na puti ang ilalim at matino ang plantsadong pants. Brown Leather ang sapatos at may ginto sa ngipin. Inakbayan si Bad Shriek. “Sabihin mo sa akin, Bruno. Ano pa at naging suki kita? Ibibigay ko sa yo ang langit!” Hinipo nito ang harap ng huli at kinalog ang balls.

Sumakit ang mata ko. Nakupo, talaga!

“Wala namang problema, ‘pre.” Nagkamot ito sa batok. “Kausapin mo na lang itong chick na pakipot. Ang ganda, eh!”

Hinarap ako ni Gold Roger, este ng lalaking may gold teeth. “Bakit, Miss, bago ka ba dito? Bakit hindi kita kilala, eh, kapatid ko ang Big Boss dito.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   THEIR HAPPY EVER AFTER😍

    SUMMER POV:Kinabukasan, ako na ang unang pumunta sa tatay ko para naman hindi mapahiya nang sobra ang asawa ko.“Tama lang naman na ilagay niya sa ayos ang mga taong nasira niya ang buhay. Lalo na ang mga karaniwang tao na walang malalapitan kapag nagigipit. Kasi ang mga taong walang wala at nakakaranas pa ng matinding pang aapi, hindi na sa tao lumalapit kapag nawalan na ng pag asa, sa Diyos na nagsusumbong at yon ang mabigat. Nakakatakot ang palo ng Diyos. Hindi yon matatakasan ng kahit sino. Kaya dapat lang na maingat tayo sa pakikipag kapwa. Hindi palaging sarili ang iniisip. Dahan-dahan sa pagbibitaw ng salita lalo na kapag mainit ang ulo. Mas matalas talaga ang dila kaysa sa matalim na espada. Dapat mahalin din natin ang iba kung paanong mahal na mahal natin ang ating sarili at sariling pamilya. Dahil sa mundong ito, hindi lang kayamanan ang naiiwang pamana sa mahal natin sa buhay. Minsan, kahihiyan, galit, sama ng loob at paghihiganti ng mga taong hindi kayang magpatawad.”“

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   PUNISHMENT

    SUMMER POV: Matagal kami sa posisyong yon. Pinagagala ang mainit niyang bibig sa mukha ko, sa pisngi, sa lahat ng kanyang maabot. At ganoon din ako sa kanya.Sa loob ko, matigas pa rin siya at halos hindi lumambot.Kinarga niya ako pasaklang sa balakang niya. Sumayaw sa hangin ang itim na roba na nakabalot pa rin sa makapangyarihang bulto ng kanyang katawan.“Hindi pa ako sa yo tapos.” Dinadala niya ako sa gitna ng malaking sofa. “Sulitin natin ang pang aakit mo.” Inilatag ako pahiga, hinahawi palayo ang mahaba kong buhok na kumapit sa pawis ng aking mukha. Isinagad ang ulo ko sa armrest ng sofa. Sa pwestong hindi ako makakawala.“Dapat ba akong magsisi?” Malambing kong tanong sa kanya.Hindi. Dumaan yon sa mga mata niya. Natutuwa siya, pilyo ang ngisi.“Dapat lang na ginagawa yan ng mga babae. Hindi laging lalaki ang nag-i-initiate ng sex. Wala ng tatalo sa pakiramdam na gusto ninyo rin kami sa kama. Na kailangan ninyo kami. Napaka-astig no’n at swerte ko dahil kaya mo yong gawin.

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   ENTWINED

    SUMMER POV:Nakita kong isinubo niya ang dalawang daliri at maingat na ipinasok sa loob ko habang nakatitig sa mga mata ko. Nag urong-sulong saka binalikan ang nipple ko na tayong tayo.Napakagat ako sa aking labi, nang pumalibot doon ang kanyang bibig saka mariing sumipsip. Nangatal ako sa ligaya, buong katawan sa puntong mahirap tiisin ang sarap kaya napadaing ako.Walang sawa niyang ginawa ang sabay na pag ulos sa pagkababae ko at pag angkin sa mga dibdib ko. Bigla ang pagdating ng bayolenteng panginginig sa katawan ko at nakaraos ako, impit ang mga sigaw.“Ngayon na…” kumikiwal ako sa ibabaw ng mesa, init na init pa rin ako. “Gusto kong angkinin mo ako ngayon na.” Nagmamakaawa na ako.“Hindi,” humampas sa balat ko ang napakainit niyang hininga, sa ibabaw ng aking matambok na dibdib, nagbagsak siya ng halik sa ibabaw, sa gilid, iniikutan ang tuktok, dinadarang ako. “Kung magkakapasa ang pagkababae mo ngayon, matagal bago makabawi dahil katatapos lang ng mens mo. Puede yon kung m

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   BURNING PASSION

    SUMMER POV: “Nahihiya ako sa sarili ko kapag naalala kong nagagawa ko yon kahit saan at kahit kaninong babaeng matipuhan ko.” Masuyo niya akong tinitigan. “Pero ngayon pa lang, sasabihin ko sa yo at kailangan mong tandaan—sapat ka at higit pa sa kailangan ko ang naibibigay mo. At mahal na mahal kita, my angel.” Hinagod ng daliri niya ang upper and lower lip ko. “At ang mga labing ito, hindi ko nakikita bilang aprubadong butas para sa p********k. These sweet lips of yours are meant to be kissed like this.” Hinalikan niya ako nang mas masuyo, mapusok. Mainit at humihigit. S********p sa aking namamagang labi. “Dito lang ako nakakarinig ng magagandang bagay. I don’t want to fuck your mouth, Mrs. Santiago. Your cunt is so much for me.." Parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya tungkol sa oral sex. Hindi ako makapag isip dahil nag iinit ako kung paano niya ako binubunggo ng pagkalalaki niya habang nakaposisyon siya sa pagitan ng mga hita ko. Siniil uli ako ng halik habang inilalapat ak

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   ATONEMENT 2

    SUMMER POV: Pero bakit hindi siya tumawag man lang gaya nang dati? “Hey,” bati ko, itinutukod ko ang isang tuhod ko sa pagitan ng mahahaba niyang hita na bahagyang nakabuka sa pagkakaupo. Nakadausdos pababa ang katawan at basta na lang ang posisyon sa sofa, medyo slant, pahiga. “Masakit ba ang ulo mo?” May problema ba? Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa dibdib sa halip na sumagot, nakapikit. Bagong ligo siya at umabot sa ilong ko ang bango ng kanyang bodywash at after shave at sumikdo ang pangangailangan ko sa kanya. Sa sobrang busy niya na parang may mga deadline na hinahabol, ilang araw kaming hindi nagtalik. Dumaan pa ang period ko kaya baka sexually frustrated na siya. “Hey,” bulong sa akin. “Kamusta ang araw mo?” Sumaklang ako sa kandungan niya, “Mabuti,” inayos ko ang puwesto ko paharap sa kanya, kinuha ko ang kamay niya na nakadikit sa kanyang noo. Matitigas yon at tensyonado kaya awtomatikong nagmasahe ang mga kamay ko. Pero ang pagod niya, parang hindi pisik

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   HEALING 2

    SUMMER POV:“Naku, kasumpa-sumpa raw,” ginitgit ko ang asawa ko para makaupo ako sa tabi ni Lolo, nakipagpalit na ako ng upuan pero hinagkan ko muna sa pisngi. Kinuha ko ang tasa ng salabat niya at ininom ko ang kalahati. “Worth it po ang lasa nito. At para hindi kayo mahirapan at mabigla, konti lang muna ang ilalagay ko, one is to one, tapos may asukal.” Nagsasalita ay nagmi-mix na ako ng bagong timpla para sa kanya. Natural sugar ang ginamit ko, walang bad side effect, stevia. Mahal kumpara sa commercial na asukal pero iwas cancer na rin. Yon din ang dinala ko sa bahay ni tatay dahil may pambili na ako. Saka ko iniabot sa kanya. Pinanood ko siyang tikman yon.“That’s better,” bulalas niya, tumatango at nasisiyahan. Binitiwan ang folder ng kung anong papeles.Pinisil ng asawa ko ang kamay ko. Tahimik na sinasabing ang galing ko dahil napasunod ko na naman ang lolo niya. Pinatakan ako ng halik sa sentido.“So, sa weekend, aakyat po ba tayo sa busai?” Todo-ngisi ako. Hinahamon ko t

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   HEALING

    SUMMER POV:“Sinundan ko siya,” sabi ng asawa ko, nilapitan kami ni Craig habang naglalakad. “Hindi kasi siya nagpaalam sa akin. Kay tatay David lang.” May himig ng pag aalala sa kalmado niyang tinig.Nagkamay ang dalawa, saka tahimik na naghiwalay.“Masama ba ang mood mo? May nangyari ba?” Tanong niya sa akin, inaalalayan ako papasok ng sasakyan.Bumagsak ang luha ko nang maisara niya ang pintuan ng sasakyan. Naaawa ako kay Helga. “Ngayon ko naisip na mahalaga pala ang tracking device. Sana alam ko man lang kung nasaan na siya.” Para akong mababaliw sa pag aalala dahil hindi dapat nagkalayo sina Lola Maria at Helga. Nasa mga huling araw na ang lola niya at kung walang matinong mag aalaga, baka mas madaling mamatay ang matanda.Ano ang gagawin ko?“Matapang si Helga, sweetheart. At matalino. Kahit saan siya makarating, magiging okay lang siya.”“Tingin mo?” Nakatingala ako sa kanya. Alam ko naman yon pero kailangan ko talagang marinig. Matiyak. Sa dami ng pagkakataong iniligtas, bina

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   SILENT CHAOS

    SUMMER POV:KINABUKASAN, binisita ko si Lola Maria at inabutan ko siya sa balkonahe, sa kanyang tumba-tumba. Medyo matamlay at malungkot siya at matagal na akong nasa paligid bago niya napansin.Isa ako sa iilang tao na hindi tinatahol ng kanyang mga alagang aso, hindi bababa sa anim o walo. Mga askal pero disiplinado.Maingat akong naglakad palapit sa kanya, nagdala ako ng adult milk na paborito niya. Yon ang madalas na pinag iipunan ni Helga kapag sumasahod sa wine bar na pinagtatrabahuhan sa bayan.May kamahalan kung wala kang maayos na trabaho. Pero dahil kumita ako sa unang order sa negosyo ko, nakabili ako ng isang malaking lata at paborito niyang tsinelas na alfombra. Nagtahi din ako ng apron kapalit ng luma niyang gamit noong nagtitinda pa siya sa palengke ng mga halamang gamot. Nakita ko kasi minsan na sinusulsihan niya ang dati niyang apron.Higit sa lahat ng regalo, dinala ko ang scrapbook ko ng mga larawan namin ni Helga nang magkasama. Si Helga kasi, mahilig mag notes pe

  • THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE   PEACEFUL NIGHT

    SUMMER POV:“GANITO pala ang tahimik na buhay,” si Lyndon habang nakatingin sa langit at nakaunan ako sa braso niya. Nasa rooftop kami kung saan ko siya niyayang mahiga. “Napakasarap sa pakiramdam.”Sa langit, parang mga diamante ang kislap ng mga tala at bituin. Malinaw na nakikita ang iba’t-ibang stars constellations dahil walang kaulap-ulap at banayad pa ang ihip ng hanging Amihan.Ang higaan namin, parang niyebe sa lambot. In-order ko online para sa mga pagkakataong ganito. Malalaki ang aming unan at komportable. Dim ang ilaw sa bahaging yon ng bahay para ma-enjoy namin ang star-seing.Pero nang nagdaang gabi, napakalakas ng ulan, parang nakikiramay sa pag alis ng bestfriend ko, si Helga.Umusal ako sa hangin na sana ay okay lang ito at huwag sobrang mag alala tungkol sa lola nito. Ito kasi ang unang beses na napahiwalay si Helga kay Lola Maria.Isa pa, wala itong maintenance na gamot para sa isang edad na malapit nang mag 80s pero makapritso sa pagkain, sa smoothie at klase ng t

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status