SUMMER POV:
“SAGUTIN mo: tagasaan ka?” Tinikman ni Lyndon ang alak bago nagtanong sa akin, pinagmamasdan akong mabuti sa ibabaw ng rim ng wine glass niya. Habang ako, nakatayo pa rin malapit sa front door, nagmamasid sa loob ng condo niya.
Marami rin akong nakitang mas grandiosa pa sa bahay niya dahil sa bestfriend kong si Helga. Gusto nitong maging writer kaya naman sangkaterba ang magasin at libro sa bahay nito. At dahil walang internet, kahit balutan ng tinapa, pinapatos nito.
Sa mga magasin nito, nakita ko ang bahay sa ‘merika na worth 200 million dollars at higit pa.
Yong tipong may helipad sa rooftop at parang diamante na ang mga kagamitan sa bahay, kumikinang lahat sa mata.
Ang bahay ni Pogi, bubulaga sa ‘yo ang malaking sala na may malaking seating area. Home office na salamin ang dingding sa unahan at may isang saradong silid sa kaliwa.
Maraming built-in cabinets, minimalism style. At prominente ang puti at itim na kulay sa kabuuan.
Walang guestroom para sa bisita.
Mas maram