SUMMER POV:
“Sorry, hindi ko ma-gets.”
“Kausapin mo lang ako gaya ng ginagawa mo.” Halos magkadikit na ang mga katawan namin. At konti na lang lalapat na ako sa dahon ng pintuan. Naku, Sir! “I think I can change. Malaking bagay na may makakausap akong iba ang point of view sa buhay.”
Compliment ba yon o insulto?
“Hindi ko pa rin maintindihan.” Sinikap kong maging matatag ang mga binti ko. Tiningala ko siya. “Wala ba kayong girlfriend sa guwapo ninyong yan? Mayaman ka pa. Nasa ‘yo na ang lahat, sabi nga ni Daniel Padilla.” Kailangan kong magpatawa. Ang mga mata niya nagbago na naman. Parang…nagnanasa? Nakatitig siya sa labi ko, lumunok. At bumaba sa delicious cleavage ko, naglalaway. Nakupo! “Baka makaabala lang ako sa inyo, Sir. Ayokong maging pabigat kahit kanino.” Quota na ako. Todo na ang lakas ko. Kung di siya titigil sa pagtitig sa akin, baka malusaw na ako na gaya ng ice cream kahit wala namang sikat dito ng araw.
Naku, Summer! Run!
“Are you talking to a kid?” Kumukumpas na