THIRD PERSON POV
“INAY, kumusta po si Portia?” nag-aalalang tanong ni Liam sa ina nang lumabas si Josephine sa silid kung saan nagpapahinga ang dalaga.
Bumuntong-hininga ang matanda. “Medyo bumaba na rin ang kaniyang lagnat,” sagot nito.
“Mabuti naman po kung ganoon. Nag-aalala po ako nang husto para sa kaniya.” Turan nito pagkuwa’y nagpakawala rin nang malalim na buntong-hininga at napailing pa. “Masiyado po akong nag-alala sa kaniya kagabi nang hindi ko siya makita agad. Mabuti na lang talaga at ligtas siya.”
“Maging ako man ay nag-alala rin para sa batang iyon, William,” sabi nito. “Pero, mukhang nananaginip na naman siya ng masama kanina. Umiiyak pa siya nang magising siya.”
“Kawawa naman siya, inay. Marahil ay totoo nga ang sinasabi niya sa atin na may mga taong gustong pumatay sa kaniya. Siguro totoo ngang pinatay ng masasamang tao ang kaibigan niya,” sabi nito.
“Iyon nga rin ang iniisip ko. Gusto ko sanang magtungo sa Bayan para mag-report sa mga pulis. Pero... kinakabahan nama