Habang humahampas ang malamig na hangin mula sa karagatan, isa-isang umakyat sa bangka sina Belle, Luke, ang baby na si Leo na mahigpit na yakap ni Luke, at si Anabella na tangan ni Belle. Kasunod nila si Adrian, na tumulong sa pagsampa ng mga gamit, at ang private investigator na tahimik ngunit alerto, animo’y naghahanda sa malaking rebelasyon.
Ang langit ay kulay abong bughaw, tila kinikimkim din ang bigat ng araw na iyon. Sa kalmadong baybayin ng Santa Lorenza, sumisigaw ang katahimikan ng dagat sa lalim ng mga damdaming pilit na pinapanday sa bawat alon ng kabog sa dibdib ni Belle.
“Dahan-dahan lang, Ma’am,” ani Adrian habang inalalayan si Belle paakyat sa bangka. “Medyo madulas itong kahoy kapag nabasa.”
“Salamat,” mahinang tugon ni Belle. May panginginig sa boses niya—hindi sa lamig, kundi sa tensyong kanina pa niya pinipigilan. Sa dibdib niya, parang may mabigat na batong nakadagan, na ang tanging lunas ay ang makaharap si Sara.
Nang makasakay na silang lahat, umupo sila sa loo