Naputol ang kanyang sinabi. Umiwas siya ng tingin, pinipigilang lumuha. “Pero ngayon… hindi ko na alam kung may karapatan pa akong lumapit.”
Tahimik na napaluha si Sara. Lumuhod siya sa harap ni Anabella, tinitigan ang inosenteng mata ng bata.
“Anak…?” tanong niya, halos hindi marinig ang sarili. “Ako ba ang… Mommy mo?”
Ngumiti si Anabella, saka tumango. “Opo, Mommy Ana. Ikaw po ‘yung nasa drawing ko sa notebook. Lagi ka pong kinukwento ni Daddy sa’kin.”
Lalong naluha si Sara. Walang alaala ang bumalik—wala ni isang eksaktong imahe sa isip—pero ang puso niya, tila biglang nainitan sa lamig ng mga taon.
Mahigpit niyang niyakap si Anabella, sabay sabing, “Kahit hindi pa bumalik lahat ng alaala ko, pakiramdam ko… ikaw talaga ang anak ko. Ramdam ko sa puso ko. Mahal na mahal kita…”
Tahimik na lumapit si Luke. Sa wakas, lumuhod siya sa tabi nila. Hinawakan niya ang kamay ni Sara—marahan, dahan-dahan, tila baka bigla siyang mawala.
“Kung sakaling bumalik ang lahat… kung maalala mo man ako b