IKATLONG araw na nila sa Isla at kahit papaano ay naramdaman ni Maruja ang panandaliang saya kasama si Adam. Napangiti siya habang sinusuklay ang buhok nito. Nakahiga ito sa kanyang hita habang nanonood ng pelikula, ang kanyang isang kamay ay hawak nito at paminsan-minsang hinahagkan.
“Kailan tayo uuwi?” mayamaya ay tanong niya.
Naisip kasi niya ang kanyang naiwang trabaho sa Manila. Iniwan lang niya ang mga iyon kay Ziegfred at hanggang ngayon ay hindi pa niya ito tinatawagan. Paniguradong nagtatampo na iyon sa kanya. Baka nga pag-uwi niya ay makalat na ang bahay niya sa kagagawan nito. Gawain ni Ziegfred ang ikalat ang mga gamit niya kapag ilang araw siyang hindi nagpaparamdam dito.
“Bakit pakiramdam ko ay ayaw mo na akong kasama? Nagsasawa kana ba sa mukha ko? Are you not satisfied with my performance? Sige, mamaya ay pag-iigihan ko na.” Napaupo pa ito habang sinasambit ang mga salitang iyon. Salubong ang mga kilay nito at nakasimangot sa kanya.
Natawa siya. Hindi makapaniwala si