The trial has begun. Sinabi ni attorney Enami na gusto ko ng divorce dahil sa rasong pang-iignora ni Evos sa akin at sa hindi niya pagtrato sa akin bilang asawa.
“Maraming pagkakataon na humingi ng oras at attention si Ms. Merida kay Mr. Evos Rendova na kaniyang asawa na kahit kailan ay hindi niya pinagbigyan. Palaging dinadahilan nito ang kaniyang trabaho bilang palusot para hindi gampanan ang pagiging asawa niya. At maliban doon, hinayaan niya rin na alilain ng pamilya niya si Merida at wala man lang siyang ginawa doon para pigilan ang pang-aalipusta ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang ina na si Hazie Rendova.”
Rinig na rinig ko ang mga ugong sa likuran. Nagsisimula na naman sila magbulong-bulungan pero ang pamilyang Rendova ay hindi man lang nabahala lalo na si Evos na nakatingin lamang sa’kin.
Hindi man lang siya kinakabahan na para bang sa mukha nito ay sigurado siyang mananalo sila sa kasong ito.
“Imbes na humingi ng tawad sa kaniyang pagkukulang, pinalabas pa niya na lahat n