"Ano'ng tingin mo sa'kin, mamamatay tao? For your information, oo mahirap lang kami, pero pinalaki ako ng maayos ng lolo ko." Hindi ko maiwasang magalit, pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Oo nga't may atraso ako sa kaniya, pero para bang sumusobra naman siya.
"Will you accept the deal or not? Let's stop wasting time." Biglang nag iba ang mood niya. Naupo siya sa kaniyang swivel chair at tumingin sa'kin ng diretso.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa mesa at huminga muna ako ng maluwag bago nagsalita. "Okay, I'll accept that deal. Magpapakasal ako, not because I am guilty of your accusations, but I want to prove that you are wrong."
Ngumisi siya at pumalakpak. "Okay then, i'll sign this contract. Masunurin ka naman pala," aniya at kaagad din pinirmahan ang kontrata.
"Oh bakit malungkot ka? Dapat maging proud ka pa nga na ikakasal ka sa isang kagaya ko. Imagine, sinira amo lang ang kasal ko noon, tapos ikakasal ka na sa'kin ngayon."
"Dapat ba akong matuwa? Magpapakasal ako sa isang bilyonaryo, oh ano naman ngayon? Gagawin mo lang naman yata akong ulila," diretsahan ko g sabi.
Nanliit ang mga mata niya at tumayo. "I'm interested on knowing you more, Miss Del Vega. Don't worry, hindi kita aalilahin, ang totoo niyan, kailangan lang kitang pakasalan para makuha ko ang ipamamana sa'kin ni Papa."
"So, after the marriage, i'm free?" Nabuhayan ako ng kaunting pag-asa pero agad din itong nabawi nang umiling siya.
"You have to give him a grandson."
"Anak ng tipaklong! Naririnig mo ba iyang sinasabi mo? Paano kung babae ang una kong ipanganak? Ide may susunod pa, paano kung umabot ng isang dosina na puro babae pa rin?" Napasabunot na lang ako sa buhok ko pero nakita kong bahagya siyang tumawa.
"Then, we will have a lot of children. The more the merrier," aniya na parang proud pa.
"Akala mo ba madali lang manganak?"
"I don't know, hindi naman nanganganak ang lalaki," sagot niya.
"Bakit kasi hindi ka na lang mag ampon, o di kaya maghanap ng surrogate mother?" banas kong tanong.
"I will never just f*ck someone I never knew."
"And me, you don't even know me."
"At least I know you're a virgin."
Nasapo ko ang aking bibig dahil sa kaniyang tinuran. "Aba bastos," bulong ko.
"Alin ang bastos doon? You have to be proud, Miss Del Vega. At ikagagalak ko na iharap ka sa altar na berhin, para naman hindi ako lugi," nakangisi niyang turan at nagsindi ng sugarilyo.
"Nevermind. Since you already signed the contract, I'm now leaving, Sir Lawrence." Nag bow ako bago tumalikod.
"See you tomorrow, my fiance. Huwag mong tangkain na tumakas pang muli, masama akong magalit."
Hindi na ako sumagot pa. Halos himatayin ako nang lumabas na ako sa opisina niya. Kahit malakas ang aircon, pinagpawisan pala ako.
"Aanakan niya ako? Kailangan lalaki? Jusmeyo, baka isang anak pa lang mamatay na ako. Wala pa naman sa bokabularyo ko ang mag-asawa."
"Mukhang problemado ka yata?" Pilit akong ngumiti nang bumungad sa akin si Madam Luz. Talagang hinintay niya ako sa bukana ng building.
"Here, madam. Okay na po ang contract, huwag ka ng ma stress," ani mo at iniabot sa kaniya ang folder na dala ko. Kita ko naman kung paano nag iba ang kaniyang expresiyon. Ang mga mata niya ay tila kumislap.
"Thank you so much, Kath. Sa wakas, hindi tayo magsasara!"
"Opo, kaya dapat mag celebrate tayo, bago ako umalis," ani ko kaya tila natigilan siya.
"Aalis ka? At bakit naman?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
"Si Sir Lawrence po kasi, sabi niya kukunin niya akong P.A. niya, iyon ang kapalit sa pagpirma niya sa kontrata."
Nanlaki naman ang mga mata niya. "Gusto ka niya? Ay naku naman inday, jackpot!"
Bahagya pa siyang tumalon at halos mapunit na ang labi sa lapad ng ngiti nito. Alin ang jackpot doon?
"Oh, bakit parang hindi ka masaya? Napaka guwapo ng magiging Boss mo. At balita ko, gentleman daw ang nag iisang Kurt Lawrence Llego." Kinikilita pa ako ni madam Luz. Ayaw ki namang maging Kj, sumabay na lang din ako.
"Guwapo nga siya, kaya lang baka naman mainlove ako sa kaniya."
"Aba ide mabuti nga iyon. Pagnagka developan kayo, malay mo pakasalan ka niya. Ide instant yaman ka inday! Balatuhan mo na lang ako kapag nagkatotoo na, ha?"
Natahimik na lang ako dahil sa sinabi niya. Siguro kung hindi lang ako nag aalala para kay lolo, malamang mas gugustuhin ko na lang din mawalan ng trabaho kaysa magpakasal sa lalaking iyon. Isa pa, nakakahiya dahil sa ginawa ko sa kasal niya. At lalong-lalong nakakainis ang pagmumukha niya, sabihin ba naman na pinatay ko ang nobya niya.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong mag vibrate. Sino ba itong tumatawag sa'kin? Unknown number naman.
"Hello, this is Katherine Del Vega, how can I help you?"
Naghintay ako mga ilang minuto, pero walang nagsalita.
"Hello, is there anyone from the other line? Can you hear me? What can I do for you?"
Wala pa ring sumagot kaya ibinaba ko na lang. May saltik din yata, tatawag-tawag tapos hindi naman magsasalita.
Biglang tumunog ang phone ko. Isang message notification ang tumambad sa screen ko.
"Hi Kath, how's life there? Nagkita na ba ulit kayo ni Lawrence?" basa ko, at galing iyon kay Sir Anthony.
"Inday!" Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa tili ni madam Luz. Kinabahan tuloy ako bigla. Tumatakbo siya papalapit sa'kin na hindi maipaliwanag ang mukha.
"Halika, dali!" Hinila niya ako palabas ng opisina at kusa akong natigilan sa nadatnan ko sa labas.
"Flowers for you, Kath. I'm actually here to personally ask your permission, Mrs. Luz De Guzman. I want her to be my personal assistant," ani ni Lawrence at may ibinigay din na envelope kay madam.
Tinanggap ko ang bulaklak na bigay niya, pero napangiwi ako. Ano'ng klasing palabas 'to. Paano ba iyan, may nagbigay na sa'kin ng bulaklak, sabi ko pa naman noon, kung sino ang unang lalaki na magbigay sa'kin ng bulaklak, siya na ang the one ko.
"Naku Sir, no problem po. Alam kong talagang magugustuhan mo iyang si Inday Kath. Masunurin, masipag at napakatalino niya."
Ngumiti lang ako pero palihim kong idinadasal na kainin na lang ako ng lupa dahil sa hindi ko alam kung paano ako aasta.
"I actually like her, from the very start."