Makalipas ang tatlong taon simula ng maganap ang ikinakahiya kong pagsira sa kasal ni Lawrence, nakapagtapos na ako sa pag-aaral at malusog at malakas na rin si lolo.
"Miss Del Vega, pinapatawag ka ni madam sa office niya. May importante yatang sasabihin." Tumango ako kay Chelsey at nginitian ko siya. Ano kaya ang kailangan ni madam sa'kin? Hindi naman siguro uutusan na naman niya akong makipag meet sa ibang CEO. "Good morning, madam." Ngumiti siya nang makita ako at kaagad naman itong tumayo at lumapit sa'kin. Tila excited pa sa ibabalita niya. "Magandang balita para sa kompaniya natin, Kath. Kaninang umaga lang inaprubahan ni Mr. Llego ang collaboration contract na inaalok ko sa kaniya. Ang sabi niya, ikaw daw ang papuntahin ko sa opisina niya para ma pirmahan niya ang kontrata," magiliw na balita ni madam Luz. Para akong binuhusan ng tubig na may yelo. Hindi ako nakasagot kaagad. Mr Llego? As in Kurt Lawrence Llego? "Ayos ka lang ba, Kath? Tila namumutla ka? May sakit ka ba?" Kinapa ni madam ang mukha ko kaya nabalik ako sa huwesyo. "Ayos lang po ako madam, masaya po ako sa balita mo." Kumunot ang kaniyang mga noo at pinitik ang noo ko. "May masaya bang nakabusangot na tila iiyak ano mang oras?" "Tears of joy, at hindi ako nakabusangot. Nagulat ako lang ho ako, kasi hindi ko alam paano mo siya napapayag," wika ko. "Tinanong niya lang naman kung empleyado kita, and after that hindi na siya nagdalawang isip na mag yes," mabayang nitong turan at pumalakpak. "Magkakilala ba kayo?" taka niyang tanong. "Hindi ah," ani ko. "Aba, defensive si inday," aniya at pinagtawanan pa ako. "Oh siya, ito ang kontrata, puntahan mo siya sa mismong opisina niya. Magpahatid ka na lang sa driver ko," aniya at tinapik ako sa balikat. "Sa'yo nakasalalay ang kompanya." Wala akong nagawa kun'di ang sumunod. Pagkalabas ko sa kotse literal na napa sign of the cross ako dahil sa kaba. Diretso ang lakad ko, pinagbuksan naman ako ng pinto ni manong guard. "You are Miss Katherine Del Vega?" Sinalubong ako ng babaeng matangkad, at tumango naman ako. "Follow me, Miss." Huminto kami sa CEO's office. "Nasa loob si Boss," aniya at iniwan na ako. Kumatok ako ng tatlong beses. "Come in." Malamig na boses ang naging tugon nito sa'kin. Dahan-dahan akong pumasok at halos mabitawan ko yong envelope na hawak ko nang muntik ko pa siyang mabunggo. Nakatayo lang pala siya sa pintuan, hinihintay ang pagpasok ko. "So it's really you," aniya at tinititigan ako ng maigi. Halos hindi siya kumurap, at nakakatunaw ang mga titig niya. "I'm here for the contract signing, po." Nanginginig ako habang inaabot sa kaniya ang envelope. Imbes na tanggapin ito, kamay ko ang hinawakan niya. "Are you nervous? Come on, hindi ako kumakain ng nakatayo," aniya at lumapit sa tainga ko. "Relax, love." Napakagat-labi ako dahil dito at kusa akong umtras. Siguro kung mananatili siyang ganiyan, hihimatayin ako ng wala sa oras. Nakakatakot ang aura niya, ibang-iba noong tinakbuhan ko siya. "Sir, pipirmahan mo po ba o hindi, kasi aalis na lang ako," lakas loob kong sabi. "Walang aalis. Akala mo ba makakatakas ka ulit gaya ng pagtakbo mo palayo sa'kin dati? You are wrong Miss Del Vega." Ngumisi siya at hinawakan ang pisnge ko. "Itong mukha na 'to ang hinding-hindi ko makakalimutan. Ikaw ang nagbalik sa trauma ko sa nakaraan, ngayong nahanap na ulit kita, hindi na kita pakakawalan." "I'm sorry, hindi ko naman sinasadya. Matinding pangangailangan ang nag udyok sa'kin na gawin iyon," pilit kong pangangatwiran. "At matindi rin ang pangangailangan ko ngayon, kaya't hindi kita pakakawalan. Pipirmahan ko ang kontrata, kung magpapakasal ka sa'kin," aniya na lubos kong ikinakumo. "Paano ayaw ko?" Sa totoo lang alam ko ang tunay niyang dahilan bakit niya ako gustong pakasalan. Marahil naghihiganti siya sa nagawa ko o mas higit pa roon. Sabi nga nila habang may lupa pa, tumakbo ka na. Pero ako, paano ako tatakbo sa sitwasyong ito? Sa akin nakasalalay ang kompanya ni Madam Luz. "Kung hindi mo ako pakakasalan, mawawalan ka ng trabaho at sisiguraduhin ko na wala ng tatanggap sa iyo, kahit saang lugar ka pa magtungo," seryoso at mag halong banta niyang wika. "Patayin mo na lang ako kung ganoon." "Hindi kita papatayin ng ganun-ganun lang. Papatayin kita sa sarap," bulong niya sa tainga ko kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko. "Bakit ba gusto mo akong pakasalan?" "Dahil ikaw, ikaw ang pumatay sa nobya ko."Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang
“Mahirap ang ganitong code, Kath. Hindi kasi ito basta-basta lang,” wika ni Boboy habang hawak ang tela na ipinakita ko. Napapakamot siya sa batok, pero titig na titig sa nakasulat dito.“Talaga ba? Pero kaya mo naman yan i-solve ‘di ba?”Nag aalanganin siyang ngumiti saka umiling. “Hindi ako sure kung kakayanin ko,” sagot niya kaya napa kunot noo naman ako.“Bakit naman? Pulis ka ‘di ba? At sabi ni Lawrence mahilig ka sa mga ganiyan simula noong mga bata pa tayo,” sagot ko naman na hindi makapaniwala sa naging sagot niya.“Susubukan ko, pero hindi ko pa ito magagawa ngayon. Isa pa may ibang bagay na ibinilin ang asawa mo. May pinapahanap din siya sa’kin, kaya sana maintindihan mo Katkat,” paliwanag niya kaya kinuha ko na lang mula sa kamay niya ang sulat.“Sige, may ibang araw pa naman,” sagot ko at tumango naman siya.“By the way, are you related to Anthony?” Nabigla ako sa naging tanong niya. Bakit biglaang naisingit si Anthony sa usapan namin? “Kaibigan siya ng asawa ko, at ako
I decided to call Lawrence. Ilang dial pa ako, pero hindi niya naman sinasagot ito. Naibato ko na lang sa kama ang cellphone ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Maya-maya pa, biglaang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lawrence na malapad ang ngisi. Ano’ng ginagawa niya dito? Akala ko ba on travel siya?“Love, we found your grandfather,” masaya niyang balita kaya naman umatras ang inis ko. Ngumiti ako sa kaniya. “Where is he?” “Dinala ko na muna siya sa probinsiya niyo, pero ang problema, hindi siya nagsasalita. Ang plano ko na lang sana ay dalhin ka na rin muna doon. Ikaw na muna ang magbantay sa kaniya, while nasa travel ako. Mas mabuti doon, alam kong safe ka.”“Sa probinsiya?” Para bang nakaramdam ako ng excitement nang banggitin niyang dadalhin niya ako sa probinsiya kung saan ako lumaki, pero bigla naman itong nabawi nang mapagtanto ko ang sinabi niya tungkol kay lolo. “Bakit hindi siya nagsasalita? Saan niyo ba siya nakita? May nanakit ba sa kaniya? Oh my goodness. L
Napahawak ako sa ulo ko ng biglaan na naman itong sumakit. Sakit na parang hindi pangkaraniwan. Naupo ako sa kama ng dahan-dahan pero pakiramdam ko, nagdidilim ang paningin ko. “H-help,” I uttered but I know, no one can hear me.Bigla akong nagising na para bang nasa dalampasigan ako. Naririnig ko ang bawat paghampas ng alon. Bumangon ako ng dahan-dahan at napagtanto kong sa buhangin pala ako nahiga. Teka, bakit ako nandito? Nasa kwarto ako kanina, paano’ng napunta ako sa dalampasigan?“Hanapin niyo siya, huwag niyong hayaan na makatakas pa ang babaeng iyon!” Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa hindi kalayuan. Kaagad naman akong kumilos at naghanap ng mapagtataguan ngunit saka ko rin lang napansin na may sugat pala ako sa paa. Napatingin ako sa damit ko, I never dress like this. “Huwag niyong hayaan na makalayo siya. Halughugin niyo ang buong isla!” Sa malapitan, nakilala ko kung sino siya. It is Anthony. May hawak siyang baril at kasama niya ang kaniyang mga tauhan. “S
Nagmistulang tuod ang mga paa ko nang marinig ko ang boses ni Lawrence. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “Bakit ka nandito?” ramdam ko ang galit sa tono ng kaniyang pananalita.“I just came here to meet Gwen,” pagsisinungaling ko.“And you didn’t ask my permission first?” “Bakit? Umalis ka rin naman na hindi manlang nagsabi kung saang lupalop ka ng mundo pupunta,” sagot ko at tumayo ng padabog.“Boss, we’re just having a snack. Wala naman yatang masama,” sabat pa ni Gwen.“At isa ka pa. You filed for a week leave, right?” Tinuro niya si Gwen kaya tumango naman ito.“Hindi lang 1-week ang ibibigay ko sa’yo. Hindi ka na babalik sa opisina ko, you’re fired!” Hinila ako ni Lawrence palayo kay Gwen. “Ano ba Lawrence! Hindi naman yata makatarungan ang ginagawa mo. Walang kasalanan si Gwen, bigla mong tatanggalin?”“It’s okay Kath, hindi ko na rin naman kaya pang magtagal sa kompaniya ng asawa mo. Masyadong toxic at hindi mo alam kung sino ang pweding sumaksak sa’yo patalikod,” ani n
Kinagabihan, nagpanggap akong tulog pero pinakikiramdaman ko lang ang mga kilos ni Lawrence. Hindi siya nagpaalam sa’kin na aalis siya this night, pero umaasa ako na gigisingin niya ako para ipaalam sa’kin ang lakad niya.Naramdaman ko na lang na sumarado na ang pinto, at nang magmulat ako ng mata, wala na siya. Umalis na hindi man lang nagpaalam. Makatarungan ba iyon? Nagmadali akong nagbihis at dahan-dahan na bumaba. Sa likod ng mansion din ako dumaan, mabuti at naiwan lang ni Lawrence sa aparador ang susi ng gate sa likod. Buti dito, walang bantay kaya siguradong makakalabas ako ng walang nakaka pansin sa’kin.“Anak, sorry kung pasaway ang mommy mo ha. Ngayon lang naman ito,” wika ko habang nakahawak sa tiyan ko. Naglakad lang ako papunta sa café na sinabi ni Gwen. Nasa labas pa lang ako ay tanaw ko na siyang nakatayo sa labas na may hinihintay. Nang mapansin niya naman ako ay kaagad itong kumaway habang ngumingiti.“Ayos ka lang? Parang hingal na hingal ka yata,” aniya at inalal