Pagkababa ko ng kotse sa harap ng bahay nina Mommy at Daddy, agad akong nilapitan ni Manang Selya. Matagal na itong kasambahay sa bahay namin—halos parang pangalawang ina ko na rin. Napangiti siya nang makita ako pero agad ding kumunot ang noo niya nang mapansin ang medyo bilog na ang tiyan ko.
“Caleigh, anak… buntis ka ba?” halos bulong pero punong-puno ng pagkagulat ang tanong niya habang nakatitig sa tiyan ko.
Napangiti ako at marahang tumango.
“Yes, Manang… I am,” sagot ko habang hinaplos ang tiyan ko. “Drako’s child.”
Agad siyang napatakip sa bibig sa tuwa. “Diyos ko, magkakaapo na ang magulang mo! Halika’t pumasok ka. Siguradong matutuwa sila.”
Pagkabukas ng pinto, si Mommy ang unang bumungad sa akin, may hawak pang tabo at plantsador. Napatigil siya sa paglalakad at halos malaglag ang hawak niya nang makita ako.
“Caleigh? Anak!” mabilis ang hakbang niya papunta sa akin. “Oh my God... Anak, buntis ka?”
Napaluha siya habang nakatitig sa akin, sa tiyan ko.
Tumango ako, hind