The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)

last updateLast Updated : 2025-05-29
By:  DeigratiamimiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
19Chapters
200views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa. *** Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya. Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa. Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag. Ang puso ni Drako. At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa. Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Caleigh Devika Villamor

Hindi ko na maalala kung ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Nasa gitna ako ng paghahanda para sa finals week dito sa London, pero ang mundo ko ay biglang tumigil nang mag-ring ang telepono ko kanina.

Si Mommy Celeste ang tumawag—hindi siya ang tipo ng tao na tatawag nang walang mabigat na dahilan.

"Caleigh..." Nanginginig ang boses niya. "Ang Daddy mo... Nakakulong na siya. Napagbintangan siyang nagpabaya sa pasyente habang nasa operasyon."

Nabitawan ko ang hawak kong ballpen.

"Mommy... ano pong ibig ninyong sabihin? Matagal nang huminto si Daddy sa pagiging surgeon dahil mas nag-focus siya sa ospital natin.

"Anak, hindi ko alam kung paabo ko sasabihin sa iyo ang lahat. Umuwi ka na lang. Huwag mong sabihin kay Claudette ang nangyari."

"Kung may pasiyente si Dadsy, hindi naman magkakamali! Alam nating lahat kung gaano siya kaseryoso sa trabaho niya!"

"Anak... hindi madali ang sitwasyon. Malaking tao ang namatay. Hindi tayo basta makakalaban..."

Nanlumo ako. Ang utak ko, pilit hinahanap ang lohika sa isang bagay na hindi ko kayang tanggapin. Daddy ko si Chester Villamor. Isa siyang respetado, batikang cardiothoracic surgeon. Hindi siya basta-basta nagkakamali. Hindi siya isang kriminal.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Sa bansang ito, ilang taon kong hinabol ang pangarap namin—para sa kanya, para sa amin. Pero sa isang tawag, gumuho lahat ng pinaghirapan ko.

Iisa lang ang alam kong dapat gawin.

Kailangan kong umuwi at kailangan kong iligtas si Daddy.

***

Paglapag ng eroplano, agad akong sinalubong ng mainit na singaw ng Manila. Parang yakap ng isang matandang kaaway—hindi ko maipaliwanag kung bakit tila mas mabigat ang hangin ngayon, parang may nagbabantang bagyo na hindi ko nakikita.

Bitbit ko lang ang isang maleta at isang malaking determinasyon. Wala akong ibang laman ng isip kundi si Daddy. Paano siya? Kumusta siya sa kulungan? Diyos ko, paano niya kinaya ang lahat ng ito nang wala ako sa tabi niya?

"Miss Caleigh?" tawag ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako at nakita ko si Kuya Nestor, ang matagal nang driver ng pamilya. Sa mata niya, ramdam ko ang awa. Hindi ko na kinaya at niyakap ko siya nang mahigpit.

"Kuya... paano na si Daddy?" garalgal kong tanong.

Umiling siya, tila pinipigilan ang sariling maiyak. "Malakas pa rin ang loob niya, Miss. Pero alam naming dinadala niya lahat ng sakit para hindi kayo mabahala."

Pumikit ako sandali at pilit nilulunok ang pait sa lalamunan ko. Hindi ako pwedeng maging mahina.

Pagkarating namin sa bahay, halos hindi ko nakilala ang lugar. Madilim, tahimik... parang isang abandonadong bahay na kinalimutan na ng mundo. Si Mommy Celeste ang sumalubong sa akin sa sala. Nakasuot siya ng itim na damit, parang nagluluksa.

"Anak," aniya, yakap niya ako ng mahigpit.

"Mommy... ayoko ng drama. Sabihin n'yo po sa akin lahat. Gusto kong malaman ang totoo."

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Ang pasyente, anak... isa siyang prominenteng business tycoon. Napakayaman, napakaimpluwensiya. Kaya noong nasawi siya habang hawak ng Daddy mo ang operasyon... hindi nila tinanggap ang paliwanag. Hindi nila hinayaan ang imbestigasyon. Pinagbintangan agad si Daddy."

"Pero hindi kasalanan ni Daddy!" halos pasigaw kong sabi.

"Alam ko, anak." Nilapat niya ang kamay sa pisngi ko. "Pero anak... may isang tao. Anak ng namatay. At siya ang gumagawa ng paraan para sirain tayo."

Nabigla ako.

"Anak?" bulong niya, halatang nag-aalala.

"Si Drako Valderama," sagot ni Mommy.

***

Hindi ako makapaniwala nang makarating kami ni Mommy sa isang private event hall sa Makati. Hindi para makipagsaya, kundi para makipagharap sa pamilya ng namatay na pasyente — para raw subukang ayusin ang lahat.

Sa loob, puro makapangyarihan, mayayaman, mga taong nakasuot ng mamahaling damit at nagtatago ng mga kasinungalingan sa likod ng matatamis nilang ngiti.

Nahagip ng aking mga mata si Drako Valderama.

Nakatayo siya sa dulo ng hall, naka-black tailored suit, seryoso ang mukha, malamig ang titig. Para siyang estatwang itinayo para ipaalala sa akin kung gaano kabigat ang mundo ko ngayon.

Ang puso ko, para bang tumigil sa pagtibok saglit nang magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam kung bakit may bahid ng sakit sa mga mata niya — pero kasunod noon ay nakita ko ang galit.

Purong galit.

Dahan-dahan siyang lumapit.

Mabigat ang bawat hakbang niya, parang nilulunod ako sa sariling kaba at takot na hindi ko maipaliwanag. Ang paligid, na kanina'y puno ng bulungan at musikang malumanay, biglang nagmistulang katahimikan ng libingan.

Bago pa man ako makapagsalita, siya na ang nauna.

"Ikaw ang anak ng salarin," malamig niyang sambit, bawat salita niya ay parang kutsilyong humihiwa ng pino sa balat ko, binabaon ang sakit na hindi ko inasahan.

Napakuyom ako ng kamao, pilit pinipigilan ang pag-alon ng damdamin ko. "Hindi mo alam ang sinasabi mo," mariin kong sagot, nanginginig ang boses ko sa pagpipigil ng galit.

"Alam ko ang lahat," singhal niya, punong-puno ng poot ang tinig. "Ang ama mo ang pumatay sa Daddy ko."

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa akusasyon niya. "Hindi pinatay ng Daddy ko ang tatay mo! Hindi niya ginusto 'yon! Hindi siya kriminal!" sigaw ko, hindi alintana kung sino man ang nakakarinig.

Tumawa siya — isang mapait na tawa na nagdala ng ginaw sa buong katawan ko. Walang bahid ng saya, kundi puro hinanakit at pagkamuhi.

"Sinong niloloko mo, Caleigh?" Nilapitan pa niya ako hanggang halos magdikit na ang aming mga mukha. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko, pero ni hindi iyon nakapagpagaan ng kaba sa dibdib ko. "Sa mata ko, parehong-pareho kayo ng ama mo. Mga mamamatay."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Sumambulat ang galit ko. Hindi ko na napigilan.

Pinalakas ko ang loob ko, at bago ko pa maisip kung tama ba ang gagawin ko — itinaas ko ang kamay ko at sinampal ko siya nang buong lakas.

Pak!

Sumalpok ang palad ko sa kanyang pisngi. Ang tunog ng sampal ko, parang isang putok na nagpa-echo sa buong bulwagan.

Lahat ng tao sa paligid, natigilan. Mga matang nagtatanong, mga bulungan na pilit ikinukubli.

Naramdaman ko ang pag-igting ng panga niya, ang pagbagsik ng bawat himaymay ng kanyang katawan, pero nanatili siyang nakatayo, hindi gumaganti. Tumitig lang siya sa akin — isang tinging kayang tunawin ang buong pagkatao ko sa isang sulyap.

Ngumiti siya. Isang nakakatakot na ngiti. Isang ngiting puno ng paniniguro — na hindi pa tapos ang laban.

"Ang tapang mo pala, Caleigh," aniya, malamig ang bawat titik. "Pero tandaan mo ‘to... ang bawat tapang mo, may katumbas na kapalit."

Nilunok ko ang buong tapang ko at hinaharap siya ng diretso.

"Huwag mo kaming husgahan, Drako," mariin kong bulong, pilit pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na ang buong katawan ko. "Hindi mo alam ang buong nangyari. Hindi mo alam ang totoo."

"Totoo?" Umiling siya nang dahan-dahan, ang mga mata'y puno ng hinanakit at galit na halos hindi niya kayang ikubli. "Ang totoo, wala nang saysay ang kahit anong paliwanag mo. Sinira ng pamilya mo ang buhay ko. Kaya titiyakin kong masisira rin ang sa 'yo."

Isang pangakong binitawan niya sa pagitan naming dalawa. Isang sumpang alam kong hindi niya basta bibitiwan.

Bago pa ako makasagot, tinalikuran niya ako.

Iniwan niya akong nakatayo roon, nanginginig sa galit at sa hindi ko maintindihang lungkot. Para akong naiwan sa gitna ng unos, walang kalaban-laban.

Pinagmasdan ko ang kanyang likuran habang palayo siya. Ang lalaking minsan kong hinangaan mula sa malayo — ang lalaking lihim kong inidolo at inasam — ngayon, siya na ang magiging pinakamatinding kaaway ng puso ko. At mas masakit sa lahat...may bahagi pa rin sa akin na kumakapit sa damdamin ko para sa kanya. May lihim pa rin akong nararamdaman para kay Drako Valderama. Pero hindi ko alam kung iyon pa rin ang nararamdaman ko matapos niyang ipaaresto at ipahiya ang Daddy ko.

Kung ang galit niya ay kayang durugin ako, baka panahon na rin para matutunan kong lumaban... kahit na ang kalaban ko ay ang lalaking minsang minahal ko nang palihim.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
NicaPantasia
highly recommended 🫶🏻🫶🏻🫶🏻
2025-05-29 22:09:10
1
user avatar
Chelle
Support!!🫶
2025-05-29 07:17:40
1
user avatar
Mhai Villa Nueva
highly recommended ...
2025-05-29 04:15:21
2
user avatar
Nisha
Wow nice story hopefully tuloy tuloy yung update dito ganda po Ms A. 🩷🩷🩷
2025-05-28 23:58:27
2
user avatar
Deigratiamimi
Finally, visible na siya 🥹 May 28, 2025
2025-05-28 17:18:57
2
19 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status