Pauwi na kami ni Drako mula sa simbahan. Tahimik ang paligid ng sasakyan habang ang kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa kaniya. Ang isa ko namang palad, nakapatong sa tiyan kong sobrang bigat na. Halos hindi na ako makahinga sa sikip. Ramdam ko ang bawat sipa, bawat galaw sa loob ng sinapupunan ko—apat silang lahat. Our miracle quadruplets.
"Are you okay, baby?" tanong ni Drako, nakatingin sa akin sa rearview mirror. Puno ng pag-aalala ang boses niya, at mas lalong lalim ang mga kunot sa noo niya nang makita ang pamumutla ko.
"I think… they’re coming," bulong ko habang pinipilit kong tiisin ang sakit. This one… it felt real. Intense. Parang may humihila sa buong kaluluwa ko pababa.
Agad niyang binilisan ang pagmamaneho patungo sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ko. "I’m taking you to the hospital now. Hold on, love. Just hang on."
Napakapit ako sa gilid ng upuan, halos mapunit ang kutson sa higpit ng pagkakaklamo ko. Hinihingal ako, pinipilit hindi mapahiyaw sa bawat panibagong