Hindi ko pa man lubos na naaayos ang lakas ko, tinanggal ko na ang swero sa braso ko. Pinilit kong tumayo. Mahina pa ang tuhod ko, pero hindi ko alintana. Isa lang ang gusto kong puntahan—si Drako. Kailangang makita ko siya. Kailangang marinig niya ako. Baka sakaling kapag narinig niya ang boses ko, bumalik siya.
"Ma’am, sandali lang po—"
Hindi ko na pinansin ang nurse na pilit akong pinipigilan. Naka-hospital gown pa ako, naka-tsinelas, at may benda pa ang kaliwang braso ko, pero dire-diretso akong lumakad papunta sa ICU. Bawat hakbang ay may kasamang kirot, hindi lang sa katawan, kundi sa puso kong wasak na.
Pero bago pa ako makalapit sa pintuan, may humarang sa akin.
"Don’t take another step, Caleigh."
Napatigil ako. Pamilyar ang tinig. Mabilis akong napalingon—si Drugo. Naka-itim siya, seryoso ang mukha, at hawak niya ang isang envelope.
"Move, Drugo. I just want to see my husband," bulong ko habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko.
"You can’t. Not unless you sign these.