Nasa loob ako ng maliit na apartment sa Florence, Italy, ang mga mata ko ay napako sa makulay na sunset na tanging liwanag sa dilim ng aking buhay. Hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang hinahanap ko—kung ito ba ay kapayapaan o isang pagkakataon na makalimot.
Ang kambal, sina Dax at Camila, ay mahimbing na natutulog sa crib nilang malapit sa kama ko. Tatlong linggo pa lang silang ipinanganak, at halos hindi ko na matandaan kung kailan ko huling naramdaman na buo ang pamilya ko. Walang ibang makikinig sa akin, walang ibang magmamahal sa akin—tanging sila lamang. At siguro iyon na lang ang kailangan ko para magpatuloy.
Hindi ko rin inisip kung ano ang iniisip ng mga magulang ko. Naiwan ko sila nang walang paalam. Gusto ko kasing magsimula ng mag-isa. Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit, pero wala akong nararamdaman kung 'di ang pangungulila sa mga bata at ang sakit na iniwan sa akin ni Drako. I’m trying to forget… trying to heal. Pero hindi ko magawa.
Matapos ang ginawa ni Drugo