Sa opisina ni Rafael, nanlaki ang mga mata ng assistant niya nang biglang pumasok si Camilla, kasunod ang mga magulang nitong sina Agnes at Gerald Luceros. Bakas sa mukha ng tatlo ang tensyon at galit.
“Rafael!” sigaw ni Agnes habang malakas na ibinagsak ang pinto. “How dare you file a case against Camilla?!”
Umangat ang tingin ni Rafael mula sa kanyang laptop. Hindi siya kumibo. Pinagmasdan lamang niya ang tatlo, ang pagkabigla sa mukha ni Camilla at ang pagngangalit ng bagang ng ama nito.
“Hindi ko palalampasin ‘yong ginawa niya kay Nica,” matigas niyang sabi, sabay tayo mula sa upuan. “She almost killed her.”
Camilla stepped forward, umiiyak, nanginginig ang boses. “Rafael, please… I didn’t mean it. Hindi ko sinasadya. I was just driving. Hindi ko naman alam na si Nica pala ‘yon!”
“So what if it wasn’t her? You were reckless, Camilla. Wala kang pake kung sino ang masaktan basta maibsan lang ang galit mo.”
Gerald slammed his fist on Rafael’s desk. “You’re choosing a maid over o