Nang makasiguro si Rafael na maayos ang lagay ni Nica at ng batang dinadala nito—na ligtas ang tibok ng puso ng sanggol at walang internal na pinsala sa katawan ni Nica—agad siyang umalis ng ospital, dala ang matinding galit at determinasyong wakasan ang pagpapahirap sa babaeng mahal niya.
Hindi pa man sumasapit ang hapon ay bumalik siya sa probinsya. Bumaba siya mula sa itim niyang SUV, kasunod ang dalawang bodyguard at isang truck ng demolition team na kasama niya mula pa Maynila. Diretso siyang pumasok sa bakuran ng bahay ng mga tiyuhin ni Nica, hawak sa kamay ang dokumentong nagpapatunay na siya ang nagpagawa ng buong bahay at lupa ng mga ito.
Naabutan niya ang mag-asawang sina Aling Lorna at Mang Temyong na nag-iinuman sa harapan ng bahay, may kausap pang dalawang lalaki at isang babae—mukhang kalaro sa sugal. Nagbubunong-braso sa mesa habang abala sa tagay at halakhakan. Wala ni isa sa kanila ang tila nag-alala man lang sa nangyaring insidente kaninang umaga.
Ngunit natigil ang