Maagang umaga, habang humihigop ng kape si Alexis sa veranda, naramdaman niya ang paggapang ni Ayesha sa kanyang paanan. Naka-footed pajamas pa ito, may laway pa sa bibig, at halatang kagigising lang. Ngumiti si Alexis at binuhat ang anak, pinahalik sa pisngi.
“Good morning, baby girl,” bulong niya habang niyayakap ito.
Hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari.
“Mama.”
Halos mabitawan ni Alexis ang hawak. Mabilis niyang tinignan ang anak. “Ano ’yon?”
Ngumiti si Ayesha. “Mama,” ulit nito, sabay turo sa kanya.
“RALPH!!!” sigaw niya habang natutulala. “Come here! Bilis!”
Gulat na gulat si Ralph na sumilip mula sa kusina, may hawak pang sandok ng itlog. “Bakit? Anong nangyari?”
Ngunit nang makita niyang nakangiti si Alexis habang yakap si Ayesha, napalitan ng excitement ang tensyon.
“Anong meron?”
“Sabihin mo ulit, baby,” pangungumbinsi ni Alexis.
Tumitig si Ayesha sa kanila, parang nag-iisip. At muli, sabay tapik sa dibdib ni Alexis, “Mama.”
Napatalon si Ralph sa tuwa, halos mahulo