“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
View MoreIsang fashion event ang dinaos at dinaluhan ng mga kilalang personalidad at kasama dito ang ex ni Alexis na si Julio. Sobrang sakit ng loob niya imbes na maging masaya si Alexis dahil sa tagumpay ng kanilang event ay parang gusto niyang magluksa. Hayun siya sa isang sulok ng ballroom at umiinom hanggang sa matanaw niya si Ralph. Ito ang taong makakatulong para maibangon ang dangal niya pero paano nya ito kukumbinsihin? Hindi na nakapag isip pa ng plano si Alexis at basta na lang nilapitan si Ralph.
Bago pa man makapag-isip ng magandang plano si Alexis, hinawakan naniya ang batok ni Ralph, hinila ito palapit—at hinalikan. Mainit. Matapang. Mapangahas. Ang buong lugar ay tila natigilan. May mga napalingon, may mga nagtaka, may mga napangiti. Ngunit wala ng pakialam si Alexis. Lasing siya. Hindi sa alak lamang—kundi sa galit, sa sakit, sa pagod ng paulit-ulit na panlilinlang. Nakita niya kasi kanina si Julio—ang dating kasintahan.Kasama nito si Mica, ang babaeng naging dahilan ng lahat ng kanyang kabiguan. At ngayon, magkaakbay at magkalingkis silang parang walang nangyaring kasalanan. Kaya heto siya ngayon, nakipaghalikan sa lalaking kaibigan ng kanyang ex—si Ralph. Nagulat siya nang hindi umiwas si Ralph. Hindi lang ito pumayag—gumanti ito. Mas mariin. Mas malalim. Para bang may pinakakawalang damdamin na matagal nang ikinukubli. Ngunit sa likod ng halik ay isang bagay na hindi niya inaasahan. May dumaplis na damdaming hindi bahagi ng plano. Hindi ito dapat kasama. Hindi dapat siya kinabahan. Hindi dapat siya... kinilig. Pagkatapos ng halik, unti-unti niyang binawi ang kanyang mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. Malapit. Tahimik. “Bakit ka pumayag?” tanong niya, bahagyang garalgal ang tinig. “Bakit hindi?” sagot ni Ralph, habang nakatitig pa rin sa kanya, tila sinisilip ang mga lihim sa likod ng kanyang mga mata. “Isang halik lang dapat…” bulong sa sarili ni Alexis habang pinipigilan ang sariling mapatingin muli kay Ralph. “…pero bakit parang gusto kong ulitin?” Sinapo niya ang labi niya, parang sinusuri kung may bakas pa ng mapangahas na tagpong iyon. Naramdaman niya ang bahagyang panginginig ng daliri niya. Hindi ito takot. Hindi rin ito kaba na gaya ng dati. Ito ay… pananabik. At ayaw niyang aminin iyon. Napahinto siya sa gitna ng corridor. Napalingon si Ralph. “Okay ka lang?” tanong ni Ralph, bahagyang may pag-aalala sa boses. Tumingin si Alexis sa mga mata nito—matapang, mahinahon, pero may tagong damdaming nagkukubli sa likod ng bawat tingin. “Okay lang,” sagot ni Alexis, ngunit tila hindi kumbinsido kahit siya mismo. “Medyo… nagulat lang ako sa sarili ko.” Hindi nagsalita si Ralph. Hindi rin siya lumapit. Nakatayo lang ito sa tapat niya, parang hinihintay siyang buuin ang sariling isip. Sa likod niya, naririnig niya ang mga bulung-bulungan ng mga tao, ang pag-click ng mga kamera, at ang mabibilis na yabag ng mga usisero. Pero ang tunog na pinakamalakas at nakakabibingi ay ang mabilis na tibok ng kanyang puso. At hindi niya inaakalang ang halik na iyon—na dapat ay bahagi lamang ng isang panandaliang paghihiganti—ang magpapagising sa kanyang matagal na siyang nahihibang sa maling tao. Hindi alam ni Alexis kung anong mas nakakakaba—ang mga matang nakatingin sa kanila o ang presensya ni Ralph na hindi pa rin umaalis sa tabi niya. Nag-angat ng kilay si Julio mula sa kinatatayuan nila ni Mica. Kita sa mga mata nito ang pagtitimpi—ng galit? O ng pagtataka? Hindi niya alam. Si Mica naman ay tahimik pa rin, ngunit napansin ni Alexis ang bahagyang paninigas ng panga nito, na para bang nagpipigil ng isang hindi kanais-nais na reaksyon. “Show’s over,” bulong ni Ralph, halos hindi gumagalaw ang labi. “Tara na. I’ll take you home.” Hindi siya agad nakakilos. Parang may parte sa kanya ang gusto pang manatili—hindi para ipagpatuloy ang eksena, kundi para lang maramdaman ang init ng mga labi ni Ralph sa kanya. Ano na namang kagagahan ang naisip niya? Hindi pa rin makagalaw si Alexis. Parang may mga tanikala sa kanyang mga paa—hindi ng takot, kundi ng hindi maipaliwanag na emosyon. Hindi siya handa sa halik. Lalong hindi siya handa sa lahat ng posibleng mangyari bunsod ng aksyon nya ngayon. Ngunit isang saglit lang, at naramdaman na niya ang kamay ni Ralph sa kanyang pulso. Hindi marahas, pero matatag. May pag-alalay. May… pakialam. Hinila siya nito palayo. At habang naglalakad silang dalawa palabas ng hall, sa gilid ng paningin ni Alexis ay namataan niya ang grupo ng kanilang mga kapwa fashion stylist—mga kasamahan sa industriya, mga kasabwat sa tsismis, at mga tahimik na saksi sa kanyang pagkadurog ilang linggo pa lamang ang nakakaraan. Isa-isang nagtaas ng baso ang ilan. May kumindat. May pumalakpak. May nag-cheer ng malumanay, na para bang sinasabi: “Finally.” “About damn time.” “Sa wakas, gumising ka na, gurl.” Bahagyang napangiti si Alexis. Malungkot. Magaan. Hindi niya akalaing may mga taong lihim na nagmamasid, umaasang matututo rin siya mula sa mga maling desisyon. Habang patuloy silang naglalakad, lumingon siya muli sa ballroom. Sina Julio at Mica ay naiwang nakatayo, tila hindi alam kung magpapatuloy ba sa pagpapanggap na walang nasaktan, o hahabulin ang eksenang tuluyan nang sinarhan. “Sigurado ka bang ayaw mong bumalik at suntukin si Julio?” tanong ni Ralph, pilit na pinapagaan ang hangin. May ngiti sa labi pero may tensyon pa rin sa boses. Napahagikgik si Alexis, unang beses ngayong gabi. “Hindi na. Tapos na ’yung chapter na ’yon,” sagot niya, pero sa loob-loob niya: baka nagsisimula na ang bagong isa. Huminto sila sa harap ng elevator. Sa sandaling iyon, nagkatinginan ulit sila—hindi na dahil sa pagtataka, kundi dahil sa tahimik na tanong na sabay nilang gustong itanong: “Anong susunod?” Bago pa man bumukas ang pinto ng elevator, Alexis ay muling nagsalita, mahina pero malinaw: “Ralph… thank you. Hindi ko alam kung anong pinasok ko, pero salamat.” Tumingin si Ralph sa kanya. “Hindi ko rin alam. Pero kung ito man ang simula ng gulo… handa akong sumabay.” Bigla silang natahimik. Wala ni isang salita sa unang ilang minuto. Tanging ingay ng tibok ng puso ni Alexis at ang paghinga nila ang pumupuno sa pagitan nila. Hanggang sa biglang nagsalita si Ralph. “Pakasal na tayo.”Maulan nang araw na iyon. Hindi lang ang langit ang nagluluksa—pati ang puso ni Ralph ay napuno ng galit, pangungulila, at determinasyong hindi na muli pang may madadamay na inosente. Sa loob ng opisina ng NBI, bitbit ni Ralph ang isang itim na folder. Isa iyong makapal na compilation ng ebidensyang pinagsama-sama ni Julio bago ito binawian ng buhay. Maaaring hindi ito nabanggit ng kababata niya nang personal, ngunit malinaw ang mensahe: “Ipagpatuloy mo, Ralph. Ituloy mo hanggang wakas.” Tahimik siyang nakaupo sa harap ng hepe ng task force, si Dir. Ben Arcilla. Kasama niya si Alexis, tahimik din ngunit ramdam ang tensyon sa pagkapit niya sa bisig ng asawa. “Attorney, kung totoo ang nasa mga dokumento mong ito,” ani Arcilla habang inaayos ang salamin niya, “hindi lang si Meneses ang babagsak. May mga pangalan dito ng mga judge, city officials, at ilang negosyanteng ginamit ang legal system para sa money laundering.” “I know,” mahinang sagot ni Ralph. “At kung hindi natin gagal
Tahimik ang buong ospital nang biglang sumiklab ang alarma mula sa ICU. Napabalikwas si Alexis mula sa pagkakaidlip sa gilid ng waiting area, habang si Ralph, na katabi niya lamang, ay tila nakapako sa kinauupuan.Tumakbo ang mga doktor at nurses sa loob ng silid ni Julio. Sa likod ng salaming pinto, nakita ni Ralph ang mabilisang pag-compress ng dibdib ni Julio, ang mask ng oxygen, at ang walang tigil na pagpindot ng mga daliri sa carotid artery nito. Napasinghap si Alexis. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit kinukumbinsi ang sarili na hindi pa ito ang katapusan.Naroon din ang mga magulang na kumupkop kay Ralph ngunit ngayon ay pareho ng namumuhi kay Ralph.Ngunit sa likod ng lahat, alam na ni Ralph.Ilang minuto pa ang lumipas, isang doktor ang lumabas. May dalang bigat sa mga mata, halatang sanay na sa ganitong anunsyo—ngunit hindi kailanman nagiging madali.“I’m sorry,” aniya. “We did everything we could.”Parang isang bomba ang sumabog sa puso ni Ralph. Wala siyang na
Mabigat ang bawat hakbang ni Ralph habang nilalakad ang pasilyo ng ospital. Walang tunog kundi ang pag-ugong ng malamig na hangin mula sa aircon at ang mahinang yabag ng kanyang sapatos sa sahig. Sa bawat hakbang, tila dumadagdag ang bigat sa kanyang dibdib—galit, takot, at, higit sa lahat, pangamba. Nang makarating siya sa ICU, natigilan siya sa pintuan. Sa loob, nakaupo si Alexis sa tabi ng kama ni Julio, hawak ang kamay nito. Maputla si Alexis, halatang kapos sa tulog, ngunit hindi pa rin niya iniiwan si Julio. Napalingon siya kay Ralph, nagkatinginan sila, parehong may bigat sa mga mata. “Wala pa rin,” mahinang bulong ni Alexis. “Wala pa ring malay.” Tumango lang si Ralph. Gusto niyang sabihin na magiging maayos rin ang lahat. Na may ginagawa na ang mga awtoridad, na ligtas na sila, na makakabangon pa si Julio. Ngunit wala sa alinman doon ang totoo sa ngayon. Sa likod nila, biglang bumukas ang pinto. “Ralph.” Paglingon niya, bumungad ang mga magulang ni Julio—si Papa Lito at
Mabilis ang mga pangyayari noong araw na iyon. Akala nina Ralph at Alexis ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang takbo ng kanilang buhay matapos tumestigo si Julio laban sa grupo ni Meneses. Ngunit tulad ng anino, ang panganib ay patuloy na sumusunod kahit sa oras ng katahimikan. Isang umaga habang naghahanda si Alexis upang ihatid si Anjo sa playgroup, isang itim na van ang huminto ilang metro mula sa gate ng bahay nila. Wala pang hinala si Alexis nang mapansin niya ang tila patay-sinding mga ilaw ng van—hanggang sa biglang bumaba ang dalawang lalaking naka-hoodie at mabilis na lumapit sa kanya. “Ma’am, huwag kang kikilos!” sigaw ng isa, sabay bunot ng baril. Napatigil si Alexis. Nangatal ang kanyang mga kamay at tila huminto ang oras. Bumalik ang lahat ng alaala—ang takot, ang malamig na kamay na pilit siyang hinihila noon, ang piring sa kanyang mga mata. Muling umatake ang kanyang PTSD at hindi siya makagalaw. Ngunit sa isang iglap, isang pamilyar na tinig ang sumigaw, “Alex
Sa unang pagkakataon matapos ang mga araw ng walang tigil na takot at kaba, muling nagkaroon ng katahimikan sa loob ng bahay ng mga Santillan. Bagamat nanatiling alerto ang paligid, ramdam ang bahagyang pagginhawa ng loob nina Alexis at Ralph. Lalo na nang matapos ang mahaba at mabigat na pag-uusap nila kay Julio. Nakaharap nila ito sa dining area—wala na ang tensyon at galit sa kanilang mga mata, kundi ang malinaw na pag-unawa at pagtanggap sa katotohanang si Julio man ay isa ring biktima. “Wala akong balak manahimik na lang, Ralph,” mariing sambit ni Julio habang pinipigilan ang nangingilid na luha. “Ginamit nila ako. Pinaglaruan. At kung hindi ko pa inayos ang konsensya ko, baka sa huli… ako pa ang tuluyang maging dahilan ng pagkawasak ng pamilya ninyo. Kaya ngayon, sasabihin ko ang lahat. Tutulungan ko kayong mahuli sila.” Tumango si Ralph. “Salamat, Julio. Hindi madali ito, pero ang katapangan mong harapin ang pagkakamali ay malaking bagay para sa laban na ito.” Agad sila
Nanlamig ang buong katawan ni Alexis habang patuloy na nakatitig sa ultrasound photo na may nakasulat na banta sa likod. Ang bawat salita ay tila karayom na tumutusok sa kanyang isip—“Let’s see if you can protect everything you love.” Hindi ito simpleng pananakot. Isa itong mensahe na may alam sila na may pinipilit silang kontrolin. At sa puntong iyon, alam ni Alexis na hindi lang sila ni Ralph ang target, kundi pati ang hindi pa nila isinisilang na anak. “Ralph… kung may iniimbestigahan kang tao, kailangan ko ring malaman. Karapatan kong malaman,” mahinang sabi niya, pilit pinipigilan ang nanginginig na tinig. Napatingin si Ralph sa kanya, halatang nagdadalawang-isip kung sasabihin ang lahat. Ilang saglit pa, marahan siyang tumango. “May isang detalye na hindi ko pa nasasabi… Dahil wala pa akong konkretong ebidensya. Pero ngayong may panibagong banta na naman, kailangan na sigurong harapin natin.” “Anong detalye?” tanong ni Alexis, mariing tinig. “Lex…” Bumuntong-hininga si R
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments