Solaria’s POV
Naka-sakay kami sa isang private jet na pagmamay-ari ni Cooper, sabi niya bigay daw to ng daddy niya since grumaduate na siya sa flight school. At ang sabi niya ay siya ang magpapalipad, kaya ngayon ay sobrang mangha naming nila Cleona at Chandria dahil vacation to para sa kanya pero siya pa ang mag-papalipad. Tinanong ko siya kung bakit, at ang sabi niya gusto niya daw ipa-experince sa akin yung flying skills niya. Pinagbigyan ko nalang din dahil birthday niya din.
“Puntahan kaya natin siya sa cockpit? I want to watch him drive this thing!” Cleona suggested.
“Cleo, come on! Huwag natin gulohin yung taong nagpapalipad ng eroplano.” Saway ko sa kanya.
“Ayaw mo lang makita yung hot pilot natin eh!” Tukso ni Cleona sa akin. Umiling ako and rolled my eyes. “Come on!” Hinila niya ako patayo at dali dali kaming pumunta sa cockpit ng eroplano, sumilip silang dalawa sa may bintana ng pintuan. Napahilot nalang ako sa sintido dahil sa ginagawa nilang dalawa. Kumaway kaway pa talag