WESTLY DE LEON POINT OF VIEW
Flash back....
Hailey comes to my condo unit at the early in the morning. that was right after ihatid ko sya sa mansyon.
"HAILEY? WHAT HAPPENED? ANONG GINAGAWA MO RITO? MAY SAKIT KA KAGABI, AH?" Nagulat talaga ako at hindi inaasahan ang pagdating nya. Balot na balot ang katawan nya ng jacket at halata pa sa mukha nya na may iniindang sakit. She looks pale and weak.
"Westly, tulungan mo ako! Ilayo mo ako kay Justine! Westly, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na lumapit ako sa 'yo para humingi ng tulong." Bigla syang umiyak sa harapan ko at para bang nahabag naman ako kaya niyakap ko sya.
"What? Ano ba kasi ang nangyari? inihatid kita sa mansyon dahil may sakit ka? Bakit ganyan ka makaiyak ngayon? Dont tell me, sinaktan ka nya?" Alam ko na kasing may mali kagabi pa lang matapos na lumabas ni Hailey sa bar. Hindi lang ako sure kung paanong pag-aaway ang nagkaroon sila ni Justine at bakit ganito na lang at humantong si Hailey sa desisyon na paglalayas.