Sapilitang pinaalis si Hailey sa condo unit nang mismong araw din na 'yon. Pilit nyang kinokontak si Justine para ipaalam ang nangyari kaso hindi ito sumasagot.
Naisip nyang puntahan ito sa company ang kaso ay mainit pa nga pala ang mukha nya sa mga tao. Kailangan nya munang magpalamig. Umaasa sya na pakikinggan ni Selina ang mga hinaing nya at gumawa man lang sana ito ng paraan para malinis ang pangalan nya.
Kagaya ngayon, matapos nyang mag-withdraw sa bangko at humanap ng pansamantala nyang matutuluyan ay muli na naman syang na-eskandalo. Isang estranghero ang nagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang mukha. "Kabet! Salot! Sa susunod na makita kita ulit, asido naman ang ibubuhos ko sa mukha mo."
Walang ginawa si Hailey. Hindi na lang nya pinatulan ang naturang estrangherong babae. Kahit kasi anong tanggol sa sarili ang gawin nya ay hindi naman ito mga maniniwala. Pinunasan na lang nya ang mukha at tumakbo palayo sa mga tao.
HAILEY CARLOS POINT OF VIEW
Mahirap ang sitwasyon ko ngay