HAILEY CARLOS POINT OF VIEW
Kakuwi lang mamin ni Justine dito sa mansyon galing sa isang out of town trip. As in sobrang daming nangyari sa bakasyon na iyon. from activities to bed. You know what I am saying.
Sobrang patang pata ang katawan ko kaya nahimbing agad ako ng tulog. Kinabukasan, nagising na lang ako na sobrang init na ng katawan. As I was expecting, inalagaan naman ako ni Justine. Talagang kahit na nakasuot na sya ng uniporme pang alis ay sya talaga ang nag aalaga sa akin. Sya mismo ang nagpupunas sa akin. napangiti tuloy ako dahil ang guwapo ng nurse ko. "Magpahinga ka lang. Sobrang taas ng lagnat mo kagabi. natakot ako dahil baka nasobrahan ka sa pagod."
Hindi ko alam kung anong pagod yung sinasabi nya. Ang alam ko kasi ay sobrang ngalay ng nga binti at braso ko. nahihilo ako at kailangan ko talaga ng pahinga. "P-pasensya ka na. Hindi ko talaga kayang pumasok. Wala tuloy magtitimpla ng kape para sa 'yo."
"Its okay. Ang importante ay makapagpahinga ka para gumaling ka.