Nagising ako ng maramdaman ko ang paghaplos ng palad sa buhok ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko upang tignan kung sino iyon at laking gulat ko dahil si Wilson iyon.
"W-wilson? A-anong g-ginagawa mo?" Talagang napabangon ako bigla. "Bakit ako narito? Nasaan si Westly?" As far as I remember, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ni Justine at ni Westly kanina habang papaalis na sana kami ng bansa. Nagkasakitan sila at ako naman ay dinugo dahil sa stress.
"Sshhhh..... saka na ako magpapaliwanag Felicity este Hailey. Just rest first." Sagot ni Wilson sa akin.
How can i rest if naguguluhan ako. Si Wilson, bakit sya ang kasama ko ngayon? Ang alam ko, isinugod ako sa ospital kanina at.... "Ano ba talaga ang ginagawa ko rito? Nasa ospital ako kanina, ah? Yung baby ko... kumusta? Anong ginagawa ko rito?" napahawak ako sa tiyan dahil bigla akong natakot para sa anak ko. Paano kung may nangyari sa kanyang masama? hindi ba dapat ay nasa ospital pa ako?
"Yes, Hailey. iuuwi na kita sa bahay mo.