Nakatakas kami ni Scarlet. Hingal na hingal kami habang tumatakbo. Halos hindi kami tumigil para lang masigurado na hindi na nila kami abutan.
Hating gabi nang tumakas kami. Hindi namin namalayan na inumaga na kami. Akala ko ay wala nang katapusan ang paglalakad namin pero nanlumo ako nang mapagtanto kong nasa isang isla kami. Narating namin ang isang cliff.
What the hell?
“Are we on an island?” pinaghalong gulat at panlulumo kong tanong.
I stared at the cliff critically. Kung tatalon man kami, masyadong malakas ang alon. We could die!
Para akong binagsakan ng langit at lupa. Paano kami aalis nito? I can’t let myself die here! Hindi pa bumabagsak ang lintik na mga Vergara!
I'm tired. No, we're tired but we didn't let ourselves rest! Tapos ito ang dadatnan namin?
I was thinking how we were going to get off the island when we heard a helicopter hovering above us. Kita kong mabilis na dumikit si Scarlet sa isang puno kaya nataranta ako at naghanap din nang matataguan.
And to my horror, narinig ko rin ang mga boses sa malayo. Nakaramdan ako ang kaba. I was too confident na makakaalis kami pero nang mapagtanto kong nasa isla kami, medyo nanghina ako.
Tumakbo si Scarlet pagkaalis ng helicopter. Sumunod ako kahit naiisip na tumalon na lang sa cliff. At dahil distracted ako, hindi ko namalayan ang isang bato — sumabit ang paa ko roon at nadapa ako!
Iritado akong binalikan ni Scarlet. She helped me even though we were hearing those men. Pinauna niya ako, at doon siguro kami nagkahiwalay.
I was running painfully when suddenly I was pinned on the ground.
Napasinghap ako nang bigla akong natumba—padapa. Tumama ang katawan ko sa lupa. Then I felt a hand on my back, stopping me from moving. Mabilis ding nahuli ang dalawa kong kamay at agad itong iginapos sa likod ko.
Sunod-sunod ang paghinga ko… dahil na sa pagod at takot. Ang sakit na ng paa ko dahil sa pagkakadapa ko, ang sakit narin ng katawan ko.
“Let me go!” sigaw ko.
Sinubukan kong gumalaw pero mas diniinan ako nang kung sino man ang nakahawak sa akin.
“Going anywhere?” tanong ng lalaki. He was being sarcastic and ruthless. “Don't think you can run away,” bulong niya malapit sa tenga ko. Nangilabot ako dahil sa lapit niya.
“Fuck you! Get off me!” sigaw ko ulit nang maramdaman kong dinaganan niya ang hita ko gamit ang tuhod niya.
Tumawa ang lalaki. Natutuwa siguro dahil nahihirapan ako.
“My my! Such a filthy mouth you have,” panunuya niya. He then chuckled. “You're under my mercy. I could punish you if you don't behave.”
Napasinghap ako sa narinig.
Nang tumayo ang lalaki, marahas din akong naiangat dahil hawak niya ang kamay ko. Hindi ko pa rin siya makita dahil nasa likod ko siya, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalis ang kamay ko sa pagkakagapos niya!
“Let me go!” I screamed, struggling to get away.
Buong pwersa kong ginamit ang bigat ko para mabitawan niya ako kaya sumubsub ulit ako sa lupa nang bigla niya akong bitawan!
I grunted in pain. Kahit masakit na ang katawan ko, ginawa kong humarap para makita ko ang lalaki.
And there…I saw him!
My breath hitched when I saw one of the Vergaras! Doon na talaga ako kinabahan. Akala ko isa lang siya sa mga tauhan nila.
I know he’s Anton Vergara. Hindi ako pwedeng magkamali. Halos kilala ko ang lahat ng mga Vergara. Una kong nakasalamuha sa kanila si Lucian.
Sa lahat ng pwedeng makahuli sa akin… siya pa talaga? Kung tama ang research ko, isa siyang general!
My heart beat wildly now that I'm seeing the guy. Yong inaakala ko na makakatakas ako, parang malabo na!
Nang naglakad siya palapit sa akin, gumapang ako paatras.
Kita ko ang pagtaas ng kilay niya. And then, amusement plastered on his damn face.
“Scared?” he taunted, smirking ruthlessly.
Dalawang hakbang niya lang nang naabutan niya ako. He knelt down and immediately grabbed my feet, making sure I couldn’t get away.
Sinubukan kong sipain ang kamay niyang nakahawak sa isang paa ko pero nahuli niya rin ang isang paa ko.
“Easy…” he mocked, chuckling a bit.
I gritted my teeth. I tried to kick him again. Nakawala ang isang paa ko at natamaan ko siya sa panga. And I think it was a wrong move. Kita ko ang unti-unting pagkawala ng humor sa mukha niya. His jaw ticked—and then he harshly pulled my feet toward him. Napahiyaw ako sa rahas niya bigla.
Nilagay niya ang dalawang paa ko sa magkabilang gilid ng bewang niya, kaya naging awkward ang posisyon namin. Then he leaned in and placed one hand beside my head.
“Asshole!” I spat, even though I was afraid. Ang lapit na niya sa akin. I hated how he was looking at me while I was stuck in such a vulnerable position.
Napalunok ako nang makita kong umigting ang panga niya. I messed up. I pissed him off!
Napahiyaw ako nang hablutin niya ang kamay ko sabay tayo niya. Napilitang tumayo rin ako kasama siya. My feet slipped off his waist and landed on the ground.
Wala akong nagawa nang marahas niya akong kinaladkad pabalik sa kung saan kami nanggaling ni Scarlet.
I want to cry in pain. Ang sakit ng paa ko dahil sa pagkakadapa kanina pero ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako.
Kahit ang totoo, hindi ko na alam ang mangyayari sa akin. If the rumor is true na ina-assassinate nila ang mga kalaban nila, ano pang magagawa ko para makapaghiganti?
I can't believe I failed!
I should've just jumped off that cliff! Mas may chance pa akong mabuhay kaysa ngayon.
Marahas akong hinila ng lalaki dahil sa bagal kong maglakad, kaya muntik na akong madapa. My sprained foot hurt even more, kaya napakagat ako ng mariin sa labi.
Mas nagdepena ang hindi ko maayos na paglalakad. Kung kanina ay naitatapak ko pa ang paa ko nang hindi gaanong masakit, ngayon, halos hindi ko na ito maitapak sa sobrang sakit.
Iritado ulit akong hinila ng lalaki dahil sa bagal kong maglakad kaya nadapa na ako nang tuluyan. This time, hindi ko na napigilan at napahiyaw ako sa sakit. Tears came out of my eyes and I hated it!
Nakaluhod ako sa lupa habang ang isang kamay ko ay hawak pa rin ni Anton.
“Don’t you know how to walk!” he snapped.
Hinila ko ang kamay ko palayo sa kanya, pero hindi niya binitawan. Instead, hinila niya ito para mapatayo ako. Napahiyaw ako sa sakit—hindi ako tuluyang nakatayo. Ngayon ay sumasakit narin ang balikat ko dahil sa pagkakahila niya.
“I sprained my feet!” naiiyak kong sigaw.
I heard him click his tongue in annoyance. Hinawakan niya ako sa bewang at saka ako pinatayo.
When I looked at him, I was met with his red, irritated eyes.
“Don’t expect me to feel sorry for you just because you sprained your foot,” he snapped irritably.
…