Search
Library
Home / Romance / The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance / Kabanata 4

Kabanata 4

Author: Innomexx
2025-06-22 17:22:20

“Let me go!” pagpupumilit kong makawala pero hindi ko magawa. Masyadong malakas ang lalaking kumakalakadkad sa akin!

Nang dumating kami sa pinagkulungan sa amin ni Scarlet ay marahas niya akong itinulak papasok. Sumubsub ako sa sahig. Mabuti at nagawa kong itukod ang kamay ko kaya hindi ako tuluyang sumalampak sa sahig.

Mabilis akong bumaling sa rehas na isinasara ng lalaki. Pinanood ko kung paano niya ito nilock gamit ang isang napakalaking padlock. Nanatili ako sa sahig habang papalayo siya. Rinig ko pa ang mga yabag ng mga paa niya habang unti-unti siyang nawawala sa paningin ko.

And then silence…

Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Tanging ang paghinga ko ang naririnig ko. Bumaling ako sa paligid, hinahanap si Scarlet pero wala siya.

She wasn't caught again? Nakatakas siya? Ako lang ang nahuli ulit?

Nagmadali akong pumasok sa banyo para tignan kung nagtatago siya roon pero wala! Wala siya dito!

I’m alone!

I’m not scared to die. But knowing that I’m alone makes me want to cry. Kung kahapon ay halos hindi ko maramdaman ang kaseryosohan ng pagkakadakip sa amin, ngayon, ramdam na ramdam ko na—seryoso na talaga ito.

Scarlet’s unending rants and remarks calm me rather than stress me—because I know I’m not alone. Kasama ko siya.

Ngayon, mag-isa na ako. Sobrang tahimik. Wala akong cellphone para matawagan si Eros. Dito ko talaga naramdaman kung gaano ako ka-mag-isa. That I’m an orphan—with no family.

Paika-ika akong lumabas ng banyo. Lumapit ako sa gilid ng gusali at doon umupo. Isinandal ko ang likod ko sa pader at saka pumikit.

Nakakabingi ang katahimikan. Siguro ay nakasara ang pintuan pababa dito sa basement kaya wala akong marinig.

Where is Scarlet? Pinauna niya ako dahil nadapa ako. Nahuli ba siya o sa ibang direksyon siya tumakbo kaya hindi siya nahuli?

Ilang minuto pa akong tulala… para na akong mababaliw. I’m not even thinking about what will happen to me. I'm thinking it's too silent, and I'm starting to feel depressed! I need Eros! or Scarlet! or I need to work! I can’t be like this! Mas lalo kong nararamdaman kung gaano ako mag-isa. Mas lalong umuusbong ang galit ko sa mga Vergara!

Pumikit ako ng mariin, hindi na alam ang gagawin. Ni hindi ko na alam kung ilang oras akong nakaupo sa silid na to. Wala akong magawa, I only have my mind which taunts me. Pinapaisip niya sa akin kung gaano ako kawalang kasama, na kahit mamatay ako, wala namang mag-aalala kasi wala akong pamilya.

Relative? I’m better off without them. Ngayon pa nila ako nahahanap na naging lawyer ako? I didn’t even choose to be a lawyer dahil gusto ko, o dahil malaki ang sweldo. I choose to be a lawyer so that I can bring down Vergaras! To have my revenge!

Kaya wala akong pagsisisi ngayon! Tanginang Mr. Herrera na yon! Sinabi niyang hindi raw kami madadamay ni Scarlet! Bakit tinugis kami bigla? I’ve paid for people to collect evidence! Ibinigay ko lahat sa kanya kasi malaki siyang tao. He can’t be easily taken down kaisa kung ako ang gagawa na isang buga lang ay sa kulungan na ang bagsak!

I trusted the wrong person! Now I don’t know if I could even have my revenge! Kung bakit hindi pa nila sinisimulan ang parusa para sa akin ay hindi ko na alam? Gusto ba nilang mabaliw pa ako bago nila gawin?

Ilang minuto pang tahimik ang paligid. I feel like going crazy any moment. Kaya nabuhayan ako nang makarinig ako ng ingay. Agad akong umupo ng tuwid nang marinig kong may bumababa dito.

Agad na tumalim ang mata ko sa lalaking dumating. Bumaba ang mata ko sa dala niyang gamit.

“Ito ang damit mo pamalit. Maligo ka raw sabi ni boss,” utos ng lalaki.

I glared at him. Hindi na siya nag-aksayang buksan ang rehas. Nilusot niya lang ang kamay niya roon at saka ibinato sa akin ang dala niya. Tumama ang isang t-shirt at isang short sa akin. Wala man lang undergarments!

“You expect me to wear this?” inis kong sigaw. Kinuha ko ang ibinato niya sa akin at ibinato ko rin iyon pabalik sa kanya.

“Pakisabi sa boss mong simulan na niya ang pagto-torture para matapos na to!”

The man glared at me. “Sinabi niya na maligo ka kaya maligo ka!” he snapped.

Pinulot niya ulit ang t-shirt at short na ibinato ko sa kanya at saka ibinato ulit sa akin. Sa inis ko, ipinamunas ko ‘yon sa sahig.

“I'm not changing into this!" Hindi ko 'yon ibinato pabalik sa kanya. Hindi malinis ang sahig kaya hindi na makilala ang t-shirt at ang short.

Matalim akong tinignan ng lalaki. Nang makita niyang marumi na ang dinala niyang damit at short ay iniwan niya ako.

Naging tahimik ulit pagkawala niya. Tinignan ko ang sarili ko at madungis nga ako dahil sa pagtakas kagabi. Pero bakit ko pa kailangang maligo kung ito-torture din naman ako at papatayin? Para malinis akong tignan? Dumb mindset!

Akala ko ay wala nang babalik sa akin. Kaya nang may marinig akong may bumababa ulit…umupo ako ng tuwid, hinintay ang papalapit.

Kaya lang ay medyo nagulat ako nang makita kong si Anton ‘yon. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng takot e ready naman ako kung ano man ang mangyari sa akin!

“Don’t be stuborn and do what I want you to do!” he said, pissed off. May dala ulit siyang panibagong damit at short.

I laughed at him mockingly. “Ang bobo mo naman, Vergara. Bakit pa ako maliligo kung papatayin mo rin ako? Para maganda akong tignan habang patay na ako?” I said, full of mockery.

His jaw ticked again. Ang bilis niyang pag-initan ng ulo. May kinuha siya sa bulsa niya.

My brow raised when I saw him opening the padlock! Sinubukan kong tumayo, hindi ko na ininda ang sakit ng paa ko. Lumapit ako sa kanya nang tuluyan nang nabuksan iyon.

Hindi naman ako makakatakas kaya hindi ko alam kung bakit pa ako nag-abalang lumapit at isipin na baka makatakas pa ako!

Hinarangan niya ako nang nakalapit ako.

“Get yourself clean!” ma-awtoridad niyang utos. Madilim ang mata niya sa akin.

I raised a brow at him. “Fuck you! Ikaw ang maligo kung gusto mo!”

Kita ko kung paano napigtas ang pasensya niya. Napasinghap ako nang marahas niya akong hinawakan at saka idiniin sa katawan niya. Tumama ang katawan ko sa matigas niyang katawan. Ang isang kamay niya at pumalupot sa likod ko.

“Tapos na akong maligo! Now, you have to clean too. If you don’t want to do it yourself, I’ll do it for you,” he whispered.

I gritted my teeth. Sinubukan kong umalis sa pagkakadiin ko sa katawan niya pero mas lalo pa niya akong idiniin sa kanya. I felt my breasts get crushed against his hard chest!

What the hell?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP