Search
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 2

Chapter 2

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-21 10:02:41

"Ma'am, hindi basta-basta tumatanggap ng biglaang bisita si Mr. Sevilla. Kung gusto mo'y isi-set ko muna ang appointment mo with him, at saka ka bumalik."

Napabuntong-hininga si Issa. Naroon siya ngayon sa reception sa mataas na gusali ng Sevilla Land & Cityscape main office—ang real-estate company na pinamamahalaan ni Vince Sevilla bilang Chief Executive. Hindi niya alam ang eksaktong ipinunta niya roon. Siguro'y hihingi siya ng palugit upang mabayaran ang lahat ng pagkakautang ng papa niya rito, na hindi kailangang siya ang maging kabayaran.

"Please, kailangan kong makausap si Mr. Sevilla. Importante lang," mahinahong pakiusap ni Issa sa receptionist.

"Tatawagan ko ang secretary sa itaas. Ipapaalam muna niya kay Mr. Sevilla." Matapos iyon ay dinampot nito ang telepono sa cradle at may kinausap. Ilang segundo lang ang itinagal niyon bago siya pinaupo ng receptionist. "May client na kausap si Mr. Sevilla. Tatawag na lang daw ang secretary kapag p'wede ka nang umakyat."

Isang ngiti at tango ang isinagot niya bago naupo sa mahabang couch sa reception. She's having cold feet. Parang nagkakandabuhol ang bituka niya sa pinagsamang kaba at antisipasyon. After long thirteen years, ngayon lang niya muling makikita si Vince. Gayunma'y kabaligtaran ng tuwa ang nadarama niya.

Tumuwid ng upo ang dalaga at matyagang naghintay. Kinse minutos din ang itinagal bago nag-ring ang telepono ng receptionist at tinawag siya. "Makakaakyat ka na. Proceed to the twelfth floor, naroon ang opisina ni Mr. Sevilla."

Wala siyang inaksayang sandali at dali-daling tinungo ang elevator. Gaya ng bilin ay tumigil siya sa binanggit na palapag at doo'y sinalubong siya ng pamilyar na mukha, ang nagpakilalang executive assistant ni Vince noong isang araw. "This way, Ms. Galvez," anito sa pormal na tono.

Pinuno ni Issa ng hangin ang kanyang dibdib nang mapatapat sila ng sekretarya sa isang frosted glass door kung saan bahagya lang na naaaninag ang tao sa loob. Kasabay ang pagtalikod ng lalaki ay ang pagpasok niya sa loob ng pribadong opisina.

She gulped as she looked straight at the familiar sight of a man she thought she had long forgotten. Still remarkable and handsome ang panganay na anak ni Lucio Sevilla. Vince's taller and way more virile than he had been. His chiseled jawline and Roman nose were eloquently dominating.

His gaze ceased to meet her dubious eyes. Mataman kung tignan siya nito na parang nakakapaso iyon.

"Ms. Galvez," his voice laced with staid seriousness. Isinara nito ang folder na binabasa at saka umayos ng pagkakaupo sa revolving chair. "Would you mind taking a seat?" maaliw na pinagmasdan nito ang pagkakatulala niya.

"Thanks," she almost whispered as she sat down next to his office desk. "I-I... came here to talk things out, Mr. Sevilla," she sighed inwardly at naipagpasalamat na naitawid niya nang maayos ang mga salitang iyon sa kabila ng pagkakaturete.

"Speak up," pag-udyok nito.

"Tungkol ito sa pagkakautang ng papa ko sa 'yo at ang kabayaran na gusto mo." Pinatatag ni Issa ang anyo. Hindi madali sa kanyang salubungin ang intensidad sa tingin nito. He's posing with such stillness yet firm stance.

"I'm afraid there's nothing to talk about it," anito sa uncompromising na tono.

"Pero—"

"Malaking pera ang naipatalo ng ama mo sa casino. Kung hindi sa pinansiyal na tulong ko, your father would definitely spend the rest of his life in jail. Tatlong negosyante ang nagsampa ng kasong e****a sa daddy mo," he said as matter-of-factly.

She suppressed a moan. Parang patalim na humihiwa sa dibdib ng dalaga ang katotohanang iyon. Batid niyang pilit na isinalba ng ama niya ang engineering firm nito kaya ito nalulong sa pagsusugal. Nagbaka-sakali itong suswertehin pero taliwas ay ang pagkalugmok nitong lalo. Maging ang spa na negosyo ng mama niya ay nasakripisyo sa kakulangan nila sa pinansiyal. Naipagpasalamat na lamang niya na bago tuluyang mag-file ng bankruptcy ang firm ay nakapagtapos siya sa kolehiyo.

"At iyon din ang gagawin mo," mapait niyang tugon dito. "Ipakukulong mo rin ang papa ko."

Issa choked a sob. Hindi siya iiyak sa harapan nito. Wala na siyang mukhang ihaharap kapag nangyari iyon.

"Hindi kailangang umabot sa ganoon, Issa," makahulugang sagot ng binata. Strangely enough but she liked it more when he spoke her name. There was a sense of liberty in it, kung hindi lang sa kahulugan ng sinabi nito.

"Oh, yes," sarkasmong umangat ang isang sulok ng labi niya. "Ako bilang kabayaran sa pagkakautang ng pamilya ko."

Gusto niyang masuya sa sinabi. Hindi niya maatim na binibigyang presyo ang pagkatao at dignidad niya. Hindi na baleng maghirap siya ngunit hindi ang ipagbili ang sarili niya.

Nanginginig ang mga kamay na nagyuko siya ng ulo. Muli'y ang pag-ahon ng galit para dito.

Matalik na magkaibigan ang kanyang abuelo at ama ni Vince Sevilla. Kwento ng magulang niya'y magkalapit na ang dalawang pamilya magmula pa noong kabataan ng mga ito. Matagal nang negosyo ng Sevilla ang property development at ilang retail businesses sa bansa habang pamumulitika naman ang pinagkakaabalahan ng angkan ng mga Galvez. Ilan sa mga kamag-anakan niya'y nasa posisyon ng gobyerno; tanging ang ama niya at kapatid nito ang nagsikap pamahalaan ang engineering firm ng pamilya.

Sevilla and Galvez built a very strong connection. Pinagbuklod din ng negosyo ng dalawang pamilya. Ang Galvez Engineering sa eksklusibong partnership sa real-estate business ng Sevilla. Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang lolo.

Ang dating matiwasay na pagsasama ng dalawang pamilya, sa isang iglap ay nagkasira.

"Ang Uncle Ted mo ay muli kong tinanggap sa kumpanya. He is a good man at kasundo siya ni Dad," tukoy ni Vince sa inhinyerong kapatid ng kanyang ama at siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. "Hindi pa huli ang lahat para sa reconciliation. Maibabalik natin ang nasirang samahan ng ating pamilya kung magpapakasal tayo—"

Salubong ang kilay na napalingon siya rito. "No, hindi ako magpapakasal sa 'yo," maagap niyang salag dito.

Mas nanaisin niyang magkandakuba sa pagtatrabaho at tumira sa isang maliit na apartment kaysa ang maging asawa ito. Not to mention na may nobyo na siya, si Apolo—tulad niyang engineering student at kasabay niyang nagtapos sa kolehiyo. Kaibigan niya si Apolo all throughout their college years. Sa ikaapat na taon ay niligawan siya nito. Sa mismong araw ng graduation ay sinagot niya ito.

"I understand. It won't be easy for you. Naiipit ka sa pagitan ng pangangailangan ng iyong pamilya at loyalty mo sa boyfriend mo," si Vince na tila ba nababasa ang nasa isip niya.

Natigilan si Issa sa tinuran na iyon ng binata. Iglap ang talim sa mga mata nito. Prente itong nakaupo sa swivel chair but she could sense an incipient anger in his voice.

"Gagawa ako ng paraan para mabayaran ko ang pagkakautang ni Papa sa 'yo, Mr. Sevilla, bigyan mo lang ako ng panahon," she didn't like the sound of herself na parang nagmamakaawa rito.

"Thirty-five million pesos sa loob ng dalawang linggo. Sa paanong paraan mo mababayaran ang halagang iyon, Issa?"

Nahigit niya ang hininga. "Thirty-five million? I-in two weeks time?"

Parang gustong pangapusan ng hangin si Issa. Gumuhit ang realisasyon sa maamong mukha. Kahit pa bigyan siya ng tatlong buwang palugit na nais sana niya ay hindi sapat para mabayaran ang kahit man lang isang milyong piso. Hindi pa man siya nakakabawi sa pagkabigla nang magpatuloy si Vince. Ang tingin ay nanatiling nasa kanya.

"In two weeks time and you still have nothing to pay me back, makikipagkalas ka sa boyfriend mo at magpapakasal ka sa 'kin. Kung hindi mo man susundin ang alinman sa dalawa, your father would get imprisoned," clear and concise ang binata sa eskplanasyon nito pero pakiramdam niya'y lalong gumulo ang kanyang isip.

Gumaling man ang papa niya'y naghihintay ang rehas sa paggising nito. Hindi iyon maaatim ng konsensiya niya.

"Kung paraan mo 'to para makaganti sa pagkakakulong ng kapatid mo—"

"Don't you even go there," bigla'y ang pagkulimlim ng mukha ni Vince.

"Kung gano'n, bigyan mo ako ng rason kung bakit mo ginagawa 'to?" Nagpupuyos ang kanyang dibdib. She was trapped at sa harap niya ay isang mapanganib na leon. One mighty beast.

"Ang ama mo ang nagtulak sa sarili niyang kumunoy, don't you get that? These are the consequences of his wrongful actions. Your family is a friend, Issa—"

"Was a friend, Mr. Sevilla," pagdidiin niya.

"We never turned our backs on you. Your father was too prideful he did cut all ties with the Sevilla. He even breached the partnership contract in Sevilla Land but my father still had given him the benefit of the doubt. He didn't sue him. Malaki ang galit ng pamilya mo sa pamilya ko and we tried to understand that," marahas na nagpakawala ng hininga ang binata. Waring nahulog ito sa malalim na pag-iisip bago tumayo at tumanaw sa glass wall ng opisina nito.

Mula roon ay ang tanawin ng mga nagtataasang gusali at napakaabalang siyudad ng Maynila.

Namulsa sa slacks nito si Vince. Gusto niyang purihin ang well-built physique and butt na hindi naikubli ng corporate attire nito ngunit pinigil niya ang sarili. She held her gaze to him.

"May malubhang sakit si Dad. Brain cancer and only have two years to live." Sa kabila ng matuwid na tayo ay kababakasan ng matinding lungkot ang boses ng binata.

Tunay siyang nabigla sa narinig. Pansamantalang isinantabi ang galit kay Vince at nakisimpatiya rito. "I-I'm sorry to hear that."

"My father wants me to marry you, Issa. He wishes nothing but a reconciliation between our families. Kasama na roon ang mabigyan ko siya ng apo." Vince turned to look at her. "At kung hindi lang din ikaw ang mapapangasawa ko, he wouldn't choose to live."

Napatda ang dalaga rito. Napailing-iling. "Hindi natin kilala ang isa't isa."

"We have the rest of our lives to get to know each other."

"May boyfriend ako," dagdag niya.

A marriage of convenience. Nothing more, nothing less. Walang nakapagitan na pag-ibig. She has never been so disappointed in her life.

"Forget about him. The whole damn situation is way bigger than him. Hindi sa lahat ng pagkakataon, puso ang dapat na pairalin." Naupong muli sa office chair nito ang binata ngunit siya namang pagtayo niya.

"Oh, really? Hindi na rin naman ako nagtataka," she voiced her sarcasm. "Hindi puso ang ginagamit mo kundi pera. Sadly, hindi nabibili ang pagmamahal, Mr. Sevilla. Love is a lot more complicated than you think. Hindi ako batong singtigas mo. Tao ako at nakakaramdam ako."

Nakatiim ang bagang na tumayo ang lalaki at saka siya mahigpit na hinawakan sa braso. "You're too quick to judge, aren't you? If love's the real issue here, then let me play my part as a lover, Issa. I promise you, you wouldn't miss a thing..." his gaze glinted with such fervor. "At malalaman mong tao rin ako at handang magkasala."

Banayad nitong pinagapang ang palad sa kanyang braso bago siya binitawan, leaving her a flushed face. Saglit siyang napipi kasabay ang tila boltahe ng elektrisidad na gumapang sa buong sistema niya.

"I-in two weeks time, babayaran kita," wika niya nang makabawi bagaman gusto lang niyang tapusin ang pag-uusap na iyon.

Hindi niya maintindihan ang kakaibang init na dumaloy sa kanyang katawan. It gave her goose bumps. Nunca siyang naapektuhan ng ganoon, not even with Apolo; na sa kabila ng mga paghalik at pagyakap ay hindi siya naligalig.

Hiniling niya sa nobyo na hindi mamamagitan ang pre-marital sex hangga't hindi sila nito ikinakasal, kaya't ano ang nangyayari at tila hinahalukay ang sikmura niya sa simpleng pagkakadaiti ng kamay ni Vince sa balat niya? Isang estranghero kung tutuusin.

"Thanks for your time. Aalis na ako," her voice flat and hurried.

Hindi na niya binigyan ng pagkakataong makapagpaalam ang binata. She walked with haste at nang makalabas sa opisina'y saka huminga nang maluwag.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP