Search
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 4

Chapter 4

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-21 10:20:05

"Ang mabuti pa, ibaba mo na 'ko," anang dalaga kay Vince.

"Stop being a lioness, Issa. We have to stop over somewhere and feast some dinner. Masama akong magutom."

Ibubuka pa lang niya ang bibig nang lumangitngit ang gulong ng Lamborghini bago iyon tumigil sa parking sa tapat ng isang fine dining restaurant. Atubiling inalis niya ang kanyang seatbelt at akmang bababa. Pero mabilis si Vince na agad siyang pinagbuksan ng pinto.

Nakasimangot pa rin siya rito. Hindi tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harap niya. "Dito na ako papara ng taxi."

"Leave your bag inside. Hindi 'yan mananakaw sa loob ng kotse ko," sa halip ay ignora nito sa pagpupuyos niya.

Her eyes squinted at him. "Personal kong gamit 'to, Mr. Sevilla. Karapatan kong dalhin kung saan ko gusto," mariin niyang hinawakan ang strap ng bag na nakasukbit sa kanyang balikat.

"Suit yourself. But you will have dinner with me," he hinted with finality. Sa inis niya'y hinawakan siya nito sa braso at niyakag papasok sa resto.

"Bitiwan mo 'ko. Nakakalakad ako," her eyes rolling as she yanked her arm back.

Vince took a deep breath and held the small of her back instead. Wala na siyang nagawa nang lapitan sila ng isang waiter, saka sila iginiya sa bakanteng table na pandalawahan. Ipinaghila siya nito ng upuan bago ito naupo sa tapat niya.

Hindi umaayon ang cotton jeans at sneakers na suot niya sa klasikong ambience ng resto kung ikukumpara sa mga bisitang naroon na halos iluwa na ang mga dibdib sa mababang neckline ng semi dresses ng mga ito. Makeup and sweet perfumes wore expensively by women.

She looked plain and conventional. Maraming beses na siyang naimbintahan sa mga glamorosong party at fine dining. Hindi lang niya naihanda ang sarili dahil basta na lang siyang dinala roon ni Vince.

And speaking of the devil na kasalukuyang ibinibigay sa nakaabang na waiter ang order nito. Wala sa loob na napatingin siya sa menu board. Nakakatakam ang steak at Ceasar salad ngunit hindi niya maramdaman ang gutom. Okupado ni Vince ang buong atensyon niya.

"How about you, darling?" anito matapos um-order.

"Nothing," aniyang sa waiter nakatingin.

Halos mag-isang linya ang kilay ni Vince sa pagkakatingin sa kanya. Tumikhim ito para kunin ang atensyon ng waiter. "Give us the finest cuisine that you have. That's it, thank you."

Nang makaalis ang waiter ay saka siya matamang tinitigan ng binata. "You should at least have some water. For sure, nauuhaw ka kung hindi ka man nagugutom," sarkastikong wika nito.

"Oh, yes, you're right. Nauuhaw nga ako," ganting-sagot niya at walang anu-anong inabot ang isang baso ng champagne na isinilbi bilang complimentary drink at saka iyon ininom. Despite the alcohol, she enjoyed the peach flavor in it. Nangangalahati ang laman ng kopita nang iangat niya iyon sa harap ng binata. "Cheers?"

"Let's just eat and I'll send you home."

"Bakit hindi natin pag-usapan ang kasal, Mr. Sevilla? Or better yet, kung paano natin mabibigyan ng apo ang Daddy mo?" Muli'y tinungga niya ang laman ng baso at nang maubos ay humingi pa siya sa nakaantabay na waiter. Bago pa maka-hindi si Vince ay napunan na ng wine ang kopita niya.

"Stop this nonsense. I didn't come here for the drama, Elisabeth. And stop drinking bago ka pa malasing. I don't know exactly where the apartment is. Unless, you want me to drag you in my place and stay in my bed this whole damn night," his gaze filled with erotic nuance. His hand on her fingers at muli'y pagkapaso niya sa init na hatid ng paghawak nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ibigay ang alak niya rito.

Lumipas ang ilang sandali bago tuluyang dumating ang mga pagkaing in-order ni Vince. Mas pinili niyang kumain kaysa kausapin ang lalaki. He really was a tease. Malayung-malayo ito kay Apolo na sweet at very considerate. Vince Sevilla was arrogant and oozed with too much confidence, as though the world owes him.

"So, have you changed your mind?" si Vince kasabay ang pagsimsim sa wine nito.

Lumunok si Issa bago uminom ng tubig. Ngayon kumalma na siya'y parang gusto niyang pagsisihan ang sinabi. "Maaatim mong ipakulong ang papa ko sa kalagayan niya ngayon?" tanong din niya. "He's a stroke patient now, Mr. Sevilla. Makatarungan bang i-bartolina sa kulungan ang isang taong maysakit?"

Sandaling huminto sa pagkain ang lalaki. "Sinong maysabi na ang papa mo ang siyang makukulong?"

Issa gawked at him. Hindi niya gusto ang nais ipakahulugan ng tingin nito. Nang wala siyang maapuhap sabihin ay nagpatuloy ito.

"Si Giselle Galvez man ay sabit sa pagkakautang ng tatay mo. Pumirma sila sa kasulatan na kung sino sa kanila ang may kakayahang maparusahan ang siyang ikukulong—"

"You are a beast!" she hissed as she gripped the knife firmly. Natuon doon ang mata ni Vince.

Nagbababala ang tinging ipinukol nito sa kanya pagkatapos. "Am I?"

"Bakit hindi na lang ako ang ipakulong mo? Palayain mo ang mga magulang ko, Vince!" Hustong nabitiwan niya ang table knife at muling humulagpos ang mga luha. "I can't afford to lose any of them. Pamilya ko sila at hindi kung sino lang."

"Issa..."

"Si Lolo, ang mama't papa ko. Mahalaga sila, Vince."

Nag-igtingan ang bagang ng binata. If only he could wrap his arm around her sa mga sandaling iyon din. Pero tiyak na ikagugulat iyon ng dalaga, kung hindi ma'y itulak si Vince palayo.

Impit ang hikbi na tumayo ang dalaga. "I wanna go home."

Si Vince man ay ganoon at kasamang lumabas ng resto matapos magbayad. Sa loob ng sasakyan ay hindi sila nag-imikan ng binata. Tumigil siya sa pag-iyak at inabala ang sarili sa pagtanaw sa labas. Nang sa wakas ay marating nila ang tinutuluyang apartment ng pamilya ay agad siyang bumaba ng sasakyan.

"Salamat sa paghatid," pag-iwas niya ng tingin sa binata na noo'y nasa harapan niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at saka sinabi, "Kung ikakasal tayo, gusto ko 'yung simple lang. A civil wedding would do," aniya sa nabuong desisyon.

Hindi halos makilala ni Issa ang sariling tinig. It was cold and forlorn... desolated.

Nagulat man sa biglaan niyang desisyon ay banayad na humawak sa baba niya ang lalaki at saka iniangat ang kanyang mukha. "But you deserve better. We can have a church wedding sa kahit saang simbahan..."

Gahibla ang layo ng labi ng binata sa labi niya. At bago pa niya mailayo ang sarili ay siyang paghinto ng isang motorsiklo sa tapat ng kotse.

She distanced herself from Vince; her spine froze like ice. Si Apolo na bumaba ng motorsiklo nito ay kababakasan ng matinding galit.

"Ano ang ibig sabihin nito, Issa?"

"P-pol—"

Hindi na niya nagawang magsalita nang walang sabi-sabing sinugod ni Apolo si Vince at saka inundayan ng suntok ang huli. Napasadsad ang lalaking Sevilla sa lupa na muli sanang susugurin ng nobyo.

"Pol, tama na, ano ba!" aniyang dinaluhan si Vince na noo'y hawak ang nagdurugong labi.

"Napakabilis mo 'kong palitan, Issa," kuyom pa rin ang kamaong wika ni Apolo. Tumayo siya't mahigpit na niyakap ang kasintahan.

"Let me explain, Pol. Mali ka ng iniisip."

Sa likuran niya ay ang pagbangon ni Vince. Pinahid ang dugo sa gilid ng bibig, saka walang gatol na sumagot. "We're getting married, iyon ang totoo."

Mariing naipikit ng dalaga ang mata sa pangunguna ng binata. Dama niya ang panginginig ni Apolo at ang sakit na idinudulot dito ng sinabi ni Vince. Sa pabulong na salita ay halos madurog ang puso ni Issa.

A moment of truth, 'ika nga. At oras na para pumili.

"I-I'm sorry..." aniya sa nobyo. Muli'y paghapdi ng mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP