Search
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 6

Chapter 6

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-22 13:26:27

Isinalang ni Issa ang frying pan sa induction stove bagama't hindi iyon binuksan. May mga karne at isda sa loob ng fridge ni Vince pero hindi malaman kung alin sa mga iyon ang lulutuin. Kinse minutos na ang nakalipas matapos ang naganap sa silid nito but his touch lingered. Pakiwari niya'y nakayakap pa rin ang binata sa kanya at sapat na para iligaw ang kanyang isip.

It was quarter after six ayon sa wall clock sa kusina. Walang nabanggit si Vince kung sa labas magdi-dinner o magpapa-deliver na lang kaya ng pagkain. Hindi niya gustong makialam sa kitchen nito pero base sa nangyari'y tiyak na hindi nito gugustuhing lumabas kasama siya. Wala rin siyang ideya sa pagkaing gusto nito kaya hindi maaring basta na lang siya magpa-deliver.

Sa huli'y ibinalik ng dalaga ang pan sa pinaglagyan niyon. Hihintayin na lamang niyang bumaba sa silid nito si Vince at ito na ang magpasya. Nasa sala siya nang maulinigan ang pagtunog ng doorbell sa unit ni Vince. Tinungo niya ang main door at sumilip sa peephole.

A blonde, curlyhead woman stood patiently outside the door. Pino ang kulot ng buhok na maihahambing sa isang banyaga. Her skin was sunkissed and freckled, and she was oozing with congenial smile.

"Dinner time, Vince! Oh, you're taking so much time in there. Open the door, honey," mahihimigan ang lambing sa boses ng bisita. Kung sinasadya nito iyon ay 'di niya alam.

Isang intercom doorbell ang nasa labas ng unit at alam niyang nakakonekta iyon sa cellphone ni Vince. Nakumpirma ang hinala niya nang kusang mag-unlock ang main door gamit ang pa rin ang smartphone nito. Bago pa makahuma ay bumukas ang pinto at iniluwa ang magandang babae.

Sandali silang nagkagulatan nito at higit na mas matangkad ang bagong-dating. Isang berdeng summer dress at flat sandals ang suot nito, nakangiti ngunit agad din siyang nilagpasan nang mabungaran si Vince na bumababa ng hagdan.

"Honey, it's good to see you again. It's been two weeks since the last time we had dinner together. Naaalagaan mo pa ba ang sarili mo?" si Lucy na sinalubong ng yakap ang binata.

Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Vince para sa bisita. Bale-wala rito kung parang sawa na nakalingkis dito ang babae. Malayo man siya sa binata'y nasasamyo pa rin niya ang natural scent ng sabong-panligo nito. He was clear-cut and handsome with his polo shirt and walking shorts. Gaya ni Lucy ay parang gusto niyang ipulupot ang mga braso rito at manatili sa tabi nito.

"I'm fine, Lucy. And since you're here, I'd like you to meet Issa, the only daughter of Mr. Jaime Galvez," ani Vince na kumalas kay Lucy at saka lumapit sa kanya. Sa gulat niya'y bigla siya nitong hinapit sa beywang at kulang na lang ay malunok niya ang dila sa pagkabigla. "And soon to be my wife."

Magkahalo ang gulat at pagkadismaya sa mukha ni Lucy, mga emosyong kaagad naitago sa pagngiti nito. "That's... quite a good news, Vince! Finally, you found the right girl, pero kailan pa? Hindi ko alam na may itinatago kang girlfriend sa cabinet mo," mahihimigan ang biro sa tinig nito.

"It's a long story."

"You are a mystery, honey—I mean, Vince. Sa tagal nating magkakilala, may mga bagay ka pa ring hindi sinasabi sa 'kin. You're hurting my feelings, Vincent!"

Vince chuckled. "Don't be silly. You have known me from head to toe."

"I guess so, that's why I always come here. Alam kong takot ka sa mantika and you always rely on me pagdating sa mga favorite dishes mo," wika ni Lucy bago lumapit at inilahad ang kamay sa kanya na agad naman niyang tinanggap. "I'm Lucy, by the way. Best of friends kami ni Vince since high school. And I'll tell you a secret..." humagikhik ito at kunwa'y bumulong. "Vince has a mole on the left side of his butt—"

"Lucy!" maagap na pigil ni Vince sa kaibigan.

Natatawang lumayo si Lucy bago naglakad patungo sa kitchen. Gusto niyang makitawa kay Lucy lalo't bakas ang pamumula sa mukha ng binata, ngunit ang isiping nakita na ng babae ang bahaging iyon ng katawan ng binata ay hindi niya ikinatuwa. Lucy exuded with warmth and friendliness. Ipinagpalagay niyang panunukso lang iyon at hindi kahahaluan ng malisya.

And if the second-mentioned was the case, wala siyang karapatan na makadama ng disgusto. Malaya si Vince na magustuhan ang kahit na sino sa kabila ng kasunduang nakapagitan sa kanila, anuman ang damdamin niya.

Niyakag siya ng binata patungo sa kusina. "Aalis na sana kami para mag-dinner sa labas," anito kay Lucy na noo'y inihahanda ang mga rekado sa kitchen counter.

"Oh, don't bother. Ako na ang bahala sa dinner. Mas safe kapag lutong-bahay ang kakainin mo, Vince. Mas mapapanatag ako."

Tumikhim si Issa at pasimpleng kumawala mula sa pagkakayapos ng lalaki sa kanya. Naupo siya sa stool, saka nagsalita. "Kailangan mo ba ng tulong?"

Ngumiti si Lucy. Iwinasiwas ang kamay at saka nagsuot ng apron. "Okay lang, Issa. Madalas ay si Vince ang kasa-kasama kong magluto—" bigla'y preno sa nahihiyang tono, "But since you're here, iyong-iyo si Vince ngayon. Kung alam ko lang na makakaistorbo ako, 'di sana'y hindi ako nagpunta. 'Eto kasing si Vince, hindi man lang ako sinabihan."

"Tyron said you're too busy with your resto. Dalawang branches ang itatayo niyo at hindi ka na raw halos nakakatulog ng maayos. For once, Lucy, makinig ka kay Tyron kapag sinabi niyang magpahinga ka." Sumandal si Vince sa counter at kaswal na nakipag-usap. He was slackened. Hindi tulad kanina sa silid nito na halos maglabasan ang litid sa galit sa kanya.

"Let's not talk about Tyron. He's overprotective. Parang ikaw ang kaibigan mong 'yun, bossy and authoritative."

Ismid lang ang isinagot ni Vince bago siya nito hinila paalis sa kinauupuan niya. Pumasok sila nito sa kitchen. "Then let us help you, Lucy. Kung tititigan lang kita, 'di sana'y nanood na lang ako ng cooking show sa TV."

"Vince, nakakahiya sa girlfriend mo, ano! Pakikilusin mo lang sa kusina."

"Hindi, okay lang. I can help at mukhang marami akong matututunan sa 'yo," sinserong sabi ni Issa. Base sa narinig na pag-uusap ng dalawa ay natitiyak niyang malaki ang nalalaman ni Lucy sa kusina.

"Minsan ko lang sasabihin 'to," si Vince habang isinasalang ang pot sa stove. "But Lucy's a master chef of her own. Kahit kumukulong mantika ay napapasunod niya."

Amused na napatingin siya sa bisita. "Parang oil-bender?"

Napuno ng halakhakan ang unit sa itinuran niya. Kasunod ay ang bahagyang pagpisil ni Vince sa tagiliran niya, pulling her closer to him. "You must be a fan of Avatar, darling."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP