Search
Library
Home / Romance / The Rich Man's Fall / Chapter 8

Chapter 8

Author: Kirstenn Wolf
2024-11-22 13:29:44

Isang semi white dress ang suot ni Issa. Pinarisan iyon ng mataas na sapatos at bridal bouquet na hawak niya sa maikling oras ng kasal nila ni Vince sa huwes. Apat na araw matapos ang pangyayari sa condo unit nito'y naisaayos ang lahat para sa kanilang civil wedding. Minadaling lahat ni Vince, mula sa mga papeles at damit na susuotin.

Tulad ng inaasahan ay pili lamang ang mga bisita at tumayong witness sa kanilang kasal lalo't biglaan ang pagpapakasal nilang iyon. Hindi niya gustong may mag-usisa pa maliban sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. Ngunit taliwas sa katotohanan ang paliwanag ni Vince sa ilang bisita—na kaya sila kinasal ay dahil tunay silang nag-iibigan nito; na matagal na silang magkasintahan at hinintay lamang ni Vince na makapagtapos siya sa kolehiyo bago siya pinakasalan.

All but lies maliban sa kanilang mga magulang na higit-kanino man ay alam ang totoo.

Ipinikit ni Issa ang mga mata nang ianunsiyo ng judge na nagkakasal ang mga salitang "you may now kiss the bride." Ikinulong ni Vince ang mukha niya sa mga palad nito at saka siya ginawaran ng malalim na halik. Tatlong segundo lang marahil ang itinagal niyon ngunit para siyang kakapusin ng hininga.

Somehow, she was amazed by how romantic Vince can be. Malimit ipadama ng binata sa kanya na tila siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. He always made her feel wanted as if he was really in loved with her. Kung hindi sa pagkakautang ng pamilya niya na kailangang bayaran, iisipin niyang totoo ang lahat ng ipinapadama nito sa kanya.

Sa marangyang villa ng mga Sevilla kung saan ginanap ang reception ay ang paglapit ng ilang kamag-anak ni Vince upang batiin siya, maliban sa isa.

"You are Jaime's daughter," tila nanunukat ang tingin ng babaeng nasa early fifties. Asawa ito ng tito ni Vince at kung bakit ay hindi siya komportableng kaharap ito. Pakiwari niya'y lihim siyang kinakastigo nito. Humithit-buga ito sa tangang sigarilyo at saka nagpatuloy. "Ang pambayad-utang ng mga Galvez."

Tumiim ang anyo ni Issa. Hinanap ng paningin niya ang asawa ngunit abala itong nakikipaghuntahan kay Lucy at kaibigang si Tyron. Masayang nagtatawanan ang mga ito sa garden kung saan naro'n ang munting salo-salo.

Ang ina niya'y kasama ang na-stroke niyang ama at siyang tumutulak sa wheelchair ng huli. Kausap ang mga ito ng ama ni Vince. Kung paanong napahiwalay siya sa mga ito ay 'di na niya matandaan.

"Mawalang-galang ho but I have to go," sa kabila ng inis ay binale-wala niya ang ginang na bagama't nakapostura ay hindi kakikitaan ng class ang mga kilos.

Habang naglalakad ay nagbuga siya ng hangin. Bumilang ng sampu upang pakalmahin ang sarili. Mabigat sa dibdib na pambayad-utang ang tingin ng ilan sa pamilya ni Vince sa kanya. Tila siya pakong unti-unting ibinabaon sa lupa. She was being scorned and it was too much to bear.

"Hija, glad you are here," ang daddy ni Vince nang lapitan niya ang mga magulang.

Taliwas sa akala ay masigla ang matandang Sevilla. Hindi ito kababakasan ng panghihina maliban sa gatla sa nagkakaedad na mukha at puting buhok. Sa isip niya ay ang isang matanda na nakaratay sa ospital o 'di kaya'y hirap sa pagkilos. But the old man was as strong as a bull at marahil ay dito namana ang gandang-lalaki ni Vince.

Hindi niya binigyang-pansin ang obserbasyon. Marahil ay sa likod ng ngiti ng matandang lalaki ay ang papahinang katawan na dulot ng kanser nito. Hindi lamang nito ipinakikita.

"H-hello, sir," alanganing bati niya rito. Hindi malaman kung paano kakausapin ito. Sa isip ay ang nakaraang hidwaan ng kanyang pamilya at pamilya nito. Hindi galit kundi pagkailang ang nararamdaman niya.

"Goodness, hija. Stop calling me that way," anitong nakangiti. "Hindi kita empleyado at marapat lang na tawagin mo akong Dad because, technically, pangalawang ama mo na rin ako."

"Tama, anak," si Giselle sa kanya. "Ituring mo na ring parang tatay si Mr. Sevilla, lalo't magmula ngayon ay dito ka na maninirahan."

"Ho?" aniyang napatingin muli sa matandang Sevilla. "H-hindi pa ho namin napag-uusapan ang tungkol d'yan, sir—Dad."

"Masyadong malaki itong villa para sa aming dalawa ni Vince. Kung minsan ay parang ghost town na hindi kakikitaan ng tao kung hindi sa presensiya ng mga maids at hardinero. Nakausap ko na si Vince at sang-ayon siyang dito kayo manirahan at bumuo ng sarili ninyong pamilya."

Naiiwas ni Issa ang mata at pinamulahan sa narinig. Bago pa siya makasagot ay nagpatuloy ang matandang lalaki. "Sana'y simula na rin ito ng muling pagkakabuklod ng ating pamilya. I'm too old for any more altercation. At makakasama rin sa papa mo ang anumang negatibong emosyon."

She glanced down at her father. Bagama't hindi makagalaw ay nakangiti ang mata. Sa harapan ay ang papalapit niyang asawa.

"Hey, am I too late for the tea?" birong bungad nito bago ipinulupot ang braso sa kanyang beywang.

Pinagtakhan iyon gayong wala silang dahilan para magpakitang-tao sa kanilang mga magulang. Sa 'di kalayuan ay ang pagkaway ni Lucy sa kanya. Nginitian niya ito.

"Mukhang may hindi ka pa nasasabi sa asawa mo, Vince. Hindi mo nilinaw kay Issa na sa mansion na ito kayo magkakasama at sa laon-madali ay bigyan ako ng apo," buong kagalakan na wika ng ama nito rito.

"Walang kaso iyon, dad. We are ready for that," ani Vince, saka pilyong kumurot sa kanyang tagiliran. Kung hindi lang sa mga kaharap ay malamang na kanina pa sila nagtalo nito.

Kung siya ang tatanungin ay gusto niyang manatili sa mansion ng kanyang pamilya, magtrabaho, at asikasuhin ang kanyang amang may-sakit. Gayunma'y nangako si Vince na bibigyan ng pribadong nurse ang kanyang ama upang may makatulong ang ina sa pag-aalaga. Nakampante siya roon ngunit ang isiping buong maghapon niyang makakasama sa iisang bubong si Vince ay naghahatid ng 'di matukoy na damdamin.

Takot o excitement, ewan niya.

Dumaan ang buong magdamag sa villa. Gabi na nang magsiuwi ang lahat ng mga bisita kabilang si Lucy at mga magulang niyang ipinahatid ni Vince sa driver nito. Ang daddy nito'y nagpapahinga na sa silid nito at bago pa niya matanto'y dadalawa na lamang sila ng binata sa terrace ng bahay.

"Wala ang mga gamit ko rito," umpisa niya sa asawa.

"Nasa kwarto na. Naihatid na dito habang ikinakasal tayo sa huwes."

Nagulat ma'y tumango lang siya ngunit alanganing umalis. "S-saan nga pala ako matutulog?"

"You mean, saan tayo matutulog?" kunwa'y pagtatama nito. "Maraming silid sa itaas but there's one room na nakalaan para sa 'tin. Halika't kailangan na nating magpahinga." Agad siyang sinamahan ni Vince papanhik sa ikalawang palapag at sa kwarto kung saan sila nito matutulog.

Sa loob ay ang maleta niya at ang kama na kakasya ang limang tao. Sa lapad niyon ay natitiyak niyang hindi magkakadaiti ang balat nila ni Vince kung maglalagay siya ng unan na ipanghaharang sa pagitan nila. Gayunma'y buo pa rin ang pagtanggi niyang makatabi ito at ang posibleng kahihinatnan niyon.

"Adjacent room ba iyon," turo niya sa nakasaradong pinto sa loob ng silid mismo. Bukod doon ay isa pang pinto ngunit nasisiguro niyang shower room.

"Yes, but this bed is way too big para tulugan lang ng isa, darling... Mag-asawa na tayo at ang kasunduan nating mabigyan ng apo si Dad ay magsisimula ngayon." Buhat sa itinurang iyon ni Vince ay ang mainit na hanging dumadampi sa tuktok ng kanyang balikat. Napaigtad siya sa banayad na paghalik nito roon.

"K-kailangan ba sa natural na paraan natin g-gawin 'to?" she stammered between irregular breathing.

Saglit na huminto ang lalaki, saka malamig na nagsalita. "What do you mean by that?"

Humarap siya kay Vince at dumistansya rito. "Totoong pumapayag ako sa kasunduan. Heto't kasal na nga tayo, 'di ba? Pero... wala naman sa pag-uusap natin ang s-sex. We may opt for In-Vitro-Fertilization para mabuntis ako..." lahad niya sa alanganing tono. Alam niyang hindi patas iyon kay Vince lalo't isa sa obligasyon niya bilang asawa ay ang pakikipagtalik dito. It was obvious, knowing the fact that he married her.

Naningkit ang mga mata ng asawa. "Anong pinagsasasabi mo—"

"Alam mo ang ibig kong sabihin—"

"Hell I know what IVF means, Issa!" Sa malaking hakbang ay muli siyang nilapitan ng binata at sa nagbabagang tingin ay hinawakan siya. "Pero hindi ka si Virgin Mary na magsisilang ng sanggol without going through marital sex. Ano pang saysay na pinakasalan kita kung ganoon lang din ang mangyayari?" Halos bumaon ang mga daliri ng binata sa magkabilang-balikat niya, saka ito ngumisi nang tila may maalala. "Hadn't you told me that after the wedding should I make love to you hanggang sa magsawa ako? And you even said 'sex' for that matter, darling."

She swallowed. Wala siyang maapuhap sabihin. He's right that she told him those stuffs at maging siya'y hindi lubos akalaing masasabi iyon.

"But I was right, Vince. Sex is the correct term. You will make fun of yourself if you impose the word make love. Ang tulad mo ay hindi naniniwala roon. You are but an egoistic beast!"

The muscles in his jaw clenched, fists were tight on her arms. "And you are the beauty with thorns, Elisabeth! But I won't mind getting hurt if that is to retain you. I couldn't care less kahit ilang tinik pa ang ibato mo sa 'kin. You will share the bed with this so-called beast, at karapatan kong angkinin ka sa pinakanatural na paraan!"

Napigil ang pagtili ni Issa nang sunggaban siya ng halik ni Vince. His hand crept at the back of her head, tugging her hair so that she could meet those burning eyes. His tongue made a blunt way inside her mouth, teasing and forcing her to absorb his turbulent kisses. Impit siyang napaungol nang maglakbay sa punong-tainga niya ang labi nito, nipping her down to her shoulder blades and neck. Hindi malaman kung masasaktan o makikiliti sa sensasyong dulot ng paghalik nito sa kanya. Natitiyak niyang mag-iiwan ng pulang marka ang bawat daanan ng labi nito.

Pinanatili ni Issa ang katinuan ng isip at itinulak palayo si Vince. Ngunit bigo siyang makawala man lang sa pagkakahawak nito sa mga kamay niya. "Vince, nasasaktan ako! Please, stop... I-I'm sorry!" she heaved a frantic sob. She was enfeebled by his animalistic desire, realizing the filthy side of him.

Vince was enthused by lasciviousness, like a man in hunger.

Huminto sa marahas na paghaplos sa katawan niya si Vince, saka matamang tinitigan siya. Hindi pa rin naaapula ang galit sa abuhing mata nito, glinting in sheer disgust bago paungol na humiwalay sa kanya. Malalalim ang mga paghingang napasabunot sa buhok nito ang binata. Saglit siyang nakadama ng takot dito.

Itinaas niya ang manipis na sleeves ng kanyang puting bestida na halos mahubad sa pagkakayapos nito sa kanya. Iyon ang ikalawang beses na nangahas ang binata na angkinin siya at muli'y nagawa nitong kontrolin ang sarili. Kung minsan ay gusto niyang papurian ito. Taglay ni Vince ang disiplinang hindi ipino-possess ng maraming lalaki o ng katulad nitong malayang magagawa ang gusto gamit ang lakas at kayamanan.

"I can't promise you a perpetual continence, Elisabeth... As one of these days, sisiguraduhin kong hindi ka makakatanggi—that I can be profane in bed with you alone, until you become carnal and a scamp..." waring sumpang sabi ni Vince sa kanya bago tinungo ang shower room. Bago iyon ay pahabol itong nagsalita. "Damn, why do I always ended up in a cold shower!"

Vince sounded like a child na dismayadong hindi nakuha ang gusto nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP