Search
Library
Home / Romance / The Royal Redemption (Chasing Series:02) / Chapter 3

Chapter 3

Author: Bluetot1
2025-02-06 15:42:50

“Make sure that you're really telling the truth, Luther. Kundi ay sisipain ko talaga yang itlog mo.” Banta ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang basement. 

Plano naming sabay na puntahan si Aye sa lugar na sinabi niya, at kahit maaga pa, pumayag na ako. Pero sa likod ng aking isip, nag-aalala ako. Sa isipin na naka possible ma apektohan ang pagiging magkaibigan namin sa sasabihin niya. 

“Chill, I'm not lying,” sagot niya, ngunit ang tono ng boses niya ay tila may kung anong saya. 

Hindi na ako sumagot pa at inirapan na lang siya. Huminto ako sa tapat ng sasakyan ko, handa na sanang buksan ang pinto, nang bigla siyang nagsalita ulit. 

“You're going to ride in my car.” 

Nilingon ko siya,at pinagtaasan ng kilay. “I have my own car, Mr. Luther.” 

“Pero mas makaka-tipid ka ng gasolina pag sumabay ka sakin,” pangungumbinsi niya. “Less hassle at pagod na rin.” 

Napatingin ako sa sasakyan niya, at parang hinampas ako bigla ng kahirapan, ngayon ko lang napansin ang sasakyan niya—isang bagong limited edition na Lamborghini, na soundproof at bulletproof. 

“Wow,” bulong ko sa sarili ko. “ Sana all.” 

“Okay, fine,” sagot ko, na may halong pagdududa. “Pero sasabay lang ako sayo dahil nag- alok ka. Wala ng iba, baka kasi mag assume ka. “ Dagdag ko pa. 

Rinig ko pa ang pag alma niya. Perp hindi ko siya pinansin at agad naglakad papalapit sa sasakyan niya. 

Habang papalapit kami sa kanyang sasakyan, biglang may narinig kaming tunog mula sa basement—isang malalim na boses na tila nagmumula sa dilim. 

“Luther… may tao ba dito?” tanong ko, ang kaba ay unti-unting umaakyat sa aking dibdib. 

Ngunit bago siya makasagot, biglang bumukas ang pinto ng basement, at isang anino ang lumabas. 

“Hindi ka dapat nandito…” sabi ng anino, na may banta sa boses. 

At sa mga sandaling iyon,bigla akong nilamon ng kaba at takot. 

“What are you saying, Jace?” tanong niya, halatang nalilito. 

Napatitig ako sa kanya, naguguluhan din. “Hindi mo narinig yun?” 

Nangunot ang noo niya, parang naguguluhan rin sa tanong ko. “Ang alin?” 

Namamalikmata lang ba ako? O baka naman hallucination? Pero hindi naman ako gutom o anuman. Iniling ko na lang ang ulo ko, ayaw ko nang dagdagan pa ang mga iniisip ko. 

Pagkapasok sa sasakyan niya, agad kong naamoy ang hindi gaanong katapang na pabango niya. Ang bango, manly pero hindi masyadong matapang, kaya hindi masakit sa ilong. 

Hindi ka pa rin nagpapalit ng pabango, ha? Ganoon pa rin mula noong 5 taon na ang nakalipas?” 

“Jace, are you okay?” tanong niya, na may pag-aalala sa boses. 

“Yeah, I’m fine,” sagot ko, pero sa totoo lang, parang may nag-aalab na kaba sa dibdib ko. “Pero… may narinig akong boses kanina.” 

Nakita kong nag-alinlangan siya, at sa mga mata niya, parang may mga lihim na ayaw ipaalam. “Anong boses?” 

“Ahh, wala, just forget that. Baka namamalikmata lang ako,” nasabi ko na lang, kahit na sa loob ko, may pangamba pa rin. Mukhang ako lang talaga ang nakarinig at nakakita sa anino kanina.

Habang naglalakbay ang isip ko sa mga tanong at pagdududa, biglang tumunog ang cellphone. Napatingin ako sa aking phone, pero wala namang tawag. Kaya’t hinanap ko kung saan nagmumula ang ingay—at doon ko nakita, cellphone ni Luther.

“Can you answer that call for me?” pakiusap niya, sabay turo sa phone niya. 

Kahit nag-aalangan, kinuha ko iyon. Sasagutin ko na sana ang tawag, pero kailangan pang i-type ang password. 

“ Ahh, nanghihingi ng password,” sabi ko, nakatingin sa kanya. 

Saglit siyang sumulyap sa akin bago binalik ang tingin sa daan. “02.”

Tinype ko iyon, nag-aalangan. “13?” 

“2000.” 

Agad kong tinype iyon, ngunit bahagya akong natigilan nang mapagtanto ang password ng phone niya. 

It was my birthday. 

“02” - February  

“13” - Date  

“2000” - My year of birth  

“Wait, Luther,” sabi ko, ang boses ko ay nanginginig. “Bakit ganito ang password mo?” 

Nakita kong nag-alinlangan siya, parang may mga alaala na ayaw niyang balikan. “Nawala na sa isip ko magpalit ng password. I'm too busy with my work, have to do so many things. Kaya hindi na napalitan.” 

Ngunit sa tono ng boses niya, may iba pang kahulugan.Yung password niya 5 years ago ay ganon parin ngayon, pati na rin ang wallpaper niya. Mukah ko parin. Hindi niya man lang pinalitan. 

“Luther?”

Ngunit bago siya makasagot, biglang nag-vibrate ang phone. Isang tawag mula sa isang hindi kilalang numero. 

“Luther, sino ‘to?” tanong ko, ang kaba ay unti-unting umaakyat. 

“Just answer it,” sagot niya, ngunit ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. 

Ngunit bago ko pa man masagot ang tawag na ‘yon, ay namatay na ito. I put his phone back, wala nag salita pa samin. I could feel the awkwardness. 

Natahimik ang buong biyahe namin hanggang sa makarating kami sa lugar na sinend ni Aye. Ako na ang unang bumaba, hindi ko na inantay pa si Luther at agad na pumasok sa loob ng restaurant.

Habang naglalakad, I roamed my eyes to searchk Aye. Hindi naman ako nahirapan dahil mabilis ko siyang nakita sa may dulo. 

“Aye,” tawag ko, sabay lakad papalapit sa kanya.

Naging mabilis ang paglingon niya sa akin. At nang makita ako, agad lumawak ang ngiti sa labi niya. 

Gosh, she still looked like a goddess. Parang hindi mo iisipin na meron na pala siyang anak. Pero mabilis rin nabura ang ngiti sa labi niya nang makita ang lalaking nasa likuran ko, si Luther. 

Pinandilatan niya ako ng mata, at sa tingin niyang iyon, kahit hindi niya sabihin, alam kong ang naiisip siya. 

“It's not what you think, Aye,” ani ko, saka hinila ang upuan sa tapat niya. 

“So, what are you going to say?” tanong ko kay Aye, ang puso ko ay nag-aalangan.

Tumingin siya sa akin, may guilt sa mga mata. “I'm sorry for hiding this from you.” 

“Nangako ako sayo na walang dapat na sekreto. Kaya sana mapatawad mo ako. Alam kung napaka laking katangahan nitong nagawa ko. Pero sana huwag kang magalit. ”

Bigla akong ginapangan ng kaba sa sinabi niya. 

“Jace.” Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. “I'm pregnant.” 

Natigilan ako sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko. Hindi agad nag process sa utak ko ‘yon. 

“Congratulations!” nasabi ko ng makabawi, pero sa isip ko, may halo ng gulo. 

Habang nag-aalangan, napatingin ako kay Luther, na nasa labas na, tila walang pakialam at nakasipol pa. 

Walang hiya! Naisahan ako! 

“Bakit hindi mo sinabi sa akin ito, Aye?” tanong ko, ang boses ko ay naglalaman ng pag-aalala. 

“Gusto ko sanang sabihin sa tamang pagkakataon, pero…,” nag-aalangan siyang sumagot, “hindi ko alam kung paano.” 

Ngunit sa likod ng isip ko, naguguluhan ako. Bakit parang may iba pang lihim na nagkukubli sa likod ng ngiti at mga salita ni Aye? 

Habang nag-iisip, biglang bumukas ang pinto ng restaurant, at pumasok si Luther, na may nakangiti ngunit may halong pag-aalinlangan. 

“Hey, guys! Anong pinag-uusapan niyo?” tanong niya, na parang walang alam sa tensyon sa paligid. 

Ngunit sa mga mata ni Aye, nakita kong may takot at pag-aalala. Ang kanyang ngiti ay naging tila hilaw na, may bakas ng kamis teryohan ang kanyang mga mata, na hindi ko maipaliwanag. 

I looked at Luther. Wangya! Akala ko ano na ito, pero ito lang pala. 

Humanda ka sakin mamaya Luther, tatapyasan kita ng itlog. 

Sabi na nga ba at kalokohan na naman ito. Ugh, magkapatid talaga sila ni Aye. Parehong may sayad. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP