Ang araw na hinihintay ni Azriel ay dumating na. Lahat ng plano niya, kasama ang kanyang mga kaibigan, ay nasa lugar na. Isang napakagandang garden venue sa isang private resort ang pinili nila para sa proposal—punong-puno ng fairy lights, eleganteng mga bulaklak, at isang intimate na ambiance na perpektong akma sa gabing ito.
Si Miguel ang nag-asikaso ng security at VIP treatment ng mga guests. Si Dylan ang nag-manage ng decorations, ensuring na perpekto ang romantic setup. Si Nagi naman ang nag-aasikaso ng musical arrangement, kasama ang isang violinist na tutugtog ng romantic melody habang nangyayari ang proposal.
---
____
“Bakit kailangan ko pa talagang mag-dress up?” reklamo ni Zarraeah habang nakatingin sa sarili sa salamin. Suot niya ang isang eleganteng white dress na may soft, flowy fabric, na lalong nagpapatingkad sa kanyang natural na ganda.
Tumawa si Serenity habang inaayos ang buhok niya. “Wala namang masama kung maganda ka, ‘di ba? Special dinner lang naman ‘to.”
Si Xena