NAKAAWANG NA ANG bibig na napaatras nang bahagya si Bethany sa ginagawang tahasang pagbibintang ng asawa sa kanya. Natatandaan niya na hindi naman siya ang unang humalik noon sa kanila kundi ang asawa, kaya bakit siya ang may kasalanan? Basically, ito ang gumahasa sa kanya at hindi siya. Pero malamang ay hindi niya maaalala iyon. Mukha ngang hindi nito natandaan na nangyari ang bagay na iyon, dahil kung alam nito ang lahat noon pa lang ay nabanggit na nito ang tungkol dito. Si Gavin pa? Wala sa vocabulary niya ang salitang pagpapalampas.
“Ako? Ginahasa kita? Sigurado ka ba diyan sa binibintang mo?”
Umalingawngaw pa ang malakas na halakhak ni Gavin sa hitsura ng asawa na parang luging-lugi pa ito sa kanya. Namula na ang magkabilang tainga ng abogado. Pilit na hinahalungkat sa kanyang isipan ang kaganapan ng gabing iyon. Lalo pa niyang minahal ang asawa.
“Ayos lang iyon, Mrs. Dankworth. Hindi ko naman ikakalat.” taas at baba pa ng kilay ni Gavin sa kanya na halatang pinagkakatuwaan na m