Percy's POV
Naglalakad papalapit sa kanya si Anna at Camila. Nakaakbay pa si Camila sa anak nila. Iniiwas niya ang tingin kay Camila at inilipat kay Anna.
Baka kasi hindi na niya makontrol nag sarili at mapangiti siya.
Kanina pa ito pilit na lumalapit sa kanya at nagpapapansin. Hindi niya alam kung ano bang nakain nito at nagising na lang na kinukulit siya. Naiinis siya dahil pakiramdam na naman niya pinaglalaruan siya nio pero may munting tuwa naman sa dibdib niya. Deep inside him he was enjoying what Camila's doing.
"Dad," tawag ng anak niya sa kanya ng makalapit na ito. "Puwede mo bang samahan si Nanay na kunin ang mga costume namin sa pinagpatahian? Si Tatay kasi busy kay Lolo Ernesto,