Bumalik din si Clifton pagkatapos makabihis. May kung anong nag-uudyok sa sulok ng utak nito na gumawa ng excuse para hindi matuloy ang pag-uwi nila.
Kaya lang hindi puwede. Bukod sa magagalit sa kanya ang dalaga, ayaw din niyang maging makasarili. Siguro oras na rin para ayusin at itama lahat ng nagawa niya. Lalo na ngayon at madadagdagan ang anghel sa buhay ng lalaki. He was definitely sure that he planted seed to Hashana's womb. Liban sa katotohanang doktor siya, sa dami ng tam*d na nailabas niya sa matris nito, imposibleng hindi sila makabuo.
Sinulyapan ni Clifton ang dalaga na nasa railings ng yate saka ituon ang atensyon sa pagmamaniobra sa handlebar. Ilang oras ang ginugol nila sa laot bago tuluyang nakadaong sa pier.
Pansin ng dalaga ang pananahimik ng kasama, at ang ilang ulit nitong pagsulyap sa kanya. Para itong may sasabihin ngunit hindi naman nagsasalita.
Nauna siyang umalis habang nakasunod ito. Hindi pa man sila nakakalabas sa entrada ng pier ay may estranghero ng l