Sa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilala ni Hashana si Rheo Auxilio na sa huli ay kanyang naging nobyo. Ngunit hanggang saan nga ba susukatin ang pagmamahalan ng dalawa kapag nakilala ni Hashana ang ama ni Rheo na si Clifton Auxilio? Na kung saan doon lang niya napagtantong ito ang kanyang nakaniig anim na taon ang lumipas. Makakaya kaya ng dalaga na ipaglaban ang pagmamahalan nila ng kasintahan kahit ang ama nito ay ama din ng anak niya? O susukuan niya ang pagmamahalan nilang dalawa alang-alang sa limang taong gulang niyang anak? Subalit papaano nga ba kung malaman ni Clifton na may anak sila ni Hashana? Ano kaya ang kayang gawin at isakripisyo ng lalaki?
Lihat lebih banyak"Tito?"
Gulat na gulat si Hashana nang may biglang humablot sa braso niya. Dama niya ang kagaspangan ng palad sa taong iyon at nanunuot sa ilong niya ang pamilyar na pabango nito. Itinapon ng dalaga ang tingin sa braso niyang ngayon ay mahigpit na kinahawakan ni Clifton. Pinipilit niyang magpumiglas upang kumawala subalit ang higpit ng pagkakahawak. Napakahigpit dahilan upang hindi siya nagtagumpay sa ginagawa. Nanghihina siya. Ramdam ang hapdi sa braso na hinuha niya ay namumula na ngayon. Bakit ba ayaw siya nitong tantanan? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari? "Pakiusap, tito. Bitawan niyo 'ko, please . . ." It's almost begged for her. Nawawalan siya ng lakas. Ang matalim na titig ng ama ng kanyang nobyo ang nagpapakaba kay Hashana. Hindi niya kailanman naisip na darating siya sa ganitong punto. Sana pala hindi na lang siya pumayag na makipagmeet sa magulang ng kanyang boyfriend. Nagsisisi tuloy siya. Sobrang nagsisi. "Bakit hindi ka pa rin nakikipaghiwalay kay Rheo, Hashana?" Mariin iyong untag ni Clifton dahilan pa mapapikit siya. Ito na naman, nandito na naman sila. Nangangatog ang mga tuhod na iniyuko niya ang ulo. Hindi alam kung anong itutugon sa taong kausap. Sobrang tatalim ng mga tinging ipinukol ni Clifton sa kanya. Nag-aapoy iyon at puno ng pagbabanta. Para bang kapag magsasalita siya ng maling sagot, isang pitik lang malalagutan siya ng hininga. Alam naman niya, galit ito. Galit na galit. Kahit siya walang nagawa kundi piping manalangin na sana matapos na ito. "Gusto mo bang ako ang magsabi sa kanya na may anak na tayo?" Nanlaki ang dalawang bilog sa mata ni Hashana. Mabilis na iniangat nito ang tingin kasabay ng paglabas ng masaganang luha na kanina pa niya pinipigilan. Umiling iling siyang napatitig sa lalaki. Nagmamakaawa ang mga mata pero tanging walang emosyon lang ang lalaking kaharap. Naninikip ang dibdib niya sa mga oras na ito. Nakagat ang pang-ibabang labi sa sobrang hirap ng nararamdaman. Takot siya. Natatakot aminin ang katotohanan kay Rheo. Mahal na mahal niya ito. Ni hindi niya kayang hiwalayan ang anak ng taong kaharap niya ngayon. "Please, huwag niyo pong sabihin." Humagulhol na si Hashana. Mabuti na lamang at walang tao na dumadaan sa kanilang pwesto sa pinakadulong pasilyo. Baka kapag nagkataon, magkakaroon ng malaking gulo sa hospital kung saan siya nagtatrabaho bilang nurse. May asawa na ang lalaking kaharap niya ngayon. Kapag may makakita sa kanila na ganito ang posisyon, paniguradong patatalsikin sila sa hospital. Mali, siya lang pala dahil malaki ang ranggo ni Clifton sa hospital bilang doktor. Hinahabol niya ang hininga bago inayos ng tayo. Nagmamakaawang tinitigan ang kulay gintong mata ng lalaki. Hinahagilap doon kung may awa pa bang makaukit sa likod ng nagbabaga nitong titig. Ibinuka niya ang bibig para sana magsalita subalit nagdadalawang-isip siya. Sumasakit ang lalamunan ng dalaga sa pagpipigil ng pag-iyak. Nanunuyo ito. Sigurado siya na kapag ibubuka iyon, mababasag lang ang kanyang boses. "A-ako na ang magsasabi sa kanya. Please po, 'wag kayong magsabi kay Rheo . . ." hirap na hirap siyang magsalita. Bakit ba kasi napunta siya sa ganitong sitwasyon? Sino ba dapat ang sisisihin? Sarili niya lang ba ang dapat niyang pagbintangan sa mga nangyayari ngayon? Kung bakit kasi ang ama pa ni Rheo ang tatay ng anak niya. Nakagat ni Hashana ang loob ng pisngi. Ilang ulit ding napabuntong-hininga sa mga naisip. Baka kasalanan din niya. Kung sana hindi na niya pinilit ang sariling gumawa ng DNA test, hindi sana nito malalaman ang lahat. Hindi rin sana mabubuko ang iniingatan niyang sekreto kung mas naging maingat pa siya. Kalmado na ang mukha ni Clifton nang muling balingan ni Hashana, subalit kaakibat pa rin nito ang pagiging istrikto. Unti-unti na ring niluluwagan ng lalaki ang hawak sa braso niya. Pero nanatili itong nakahawak, wari ba ayaw siyang pakawalan pa. Batid niyang nagustuhan ni Clifton ang lumabas sa labi niya. Iyon lang naman ang gusto nitong marinig, simula una pa lang. Isa din sa nagpapataka sa kanya ay kung bakit tila hindi nababahala ang lalaki sa sitwasyon nila ngayon. Ang mas nakapahirap pa ay ama siya ni Rheo. May asawa ito tapos nang malaman nitong may anak sila ay parang hindi man lang namomublema ang lalaki. Sa halip ay gusto pa nitong hiwalayan niya ang anak. Nakakalito. Nalilito siya. Ganun lang ba kadali ang lahat para dito. Hindi ba nito naisip ang posibleng kahihinatnan ng mga kilos nito? Ayaw niyang gawin ang mga bagay na sinasabi ng lalaking makipaghiwalay kay Rheo. Ang bait nito para hiwalayan niya ng ganun-ganun lang. Pero alam niya . . . alam niyang sa oras na sasabihin niya sa nobyong may anak na siya, kamumuhian siya nito. Posible pang ang lalaki mismo ang makipaghiwalay sa kanya. Umagos ang luha niya sa isiping iyon. Sobrang hirap naman. "Good. I just want us to be clear, Hashana. Maghihintay ako ng isang linggo. If you can't still say it to him. Ako mismo ang magsasabi." Tanging pagyuko ang naging tugon ni Hashana. Sasabog na ata ang puso at utak niya. Hindi ito nagbibiro, sigurado siya dun. Nakagat niya ang labi nang tuluyan siyang binitawan at nilagpasan ng doktor. Nagawa pa nitong maghulog ng panyo sa paanan niya. Pagak siyang natawa at inihagis iyon pabalik sa nakatalikod na lalaki. Naiwan si Hashana na nakatitig sa puting pader. Napakurap at doon napaupo kasabay ng pagyakap sa mga tuhod. Doon niya ibinuhos ang sakit. Pati na rin ang inis at galit na nakapaloob sa puso niya para kay Clifton. Ano ba ang dapat niyang gawin? Sino ba ang dapat niyang unahin? Ang taong mahal niya o ang kapakanan ng anak? Humagulhol ang dalaga habang nakasandal ang likod sa malamig na semento. Bakas sa buong mukha nito ang mga luhang natuyo at mga luhang patuloy na umaagos. Kung may makakakita man sa kanya, iisipin nitong galing siya sa isang madramang away. Malalim ang hanging naibuga niya. Sinusumpa niya ang lalaki sa isipan. Sana pala hindi na lang siya pumasok dito sa hospital. Nauwi tuloy sa kalbaryo ang simpleng pangarap niyang makahanap ng trabaho. Kung bakit kasi nalaman pa ni Clifton na may anak siya. Na may anak pala siya dito.Napailing naman ang ginoong sinundan ito ng tingin bago hinarap ang walang imik na dalaga. Masama ang tingin nito sa kanya. Sa klase ng titig nito batid niyang may nagbabanta na namang giyera.Sabay nga ang tatlong bumyahe. Katabi ni Clifton sa front seat si Cathy habang mag-isang nasa back seat si Hashana. Paano ba naman at sa harapan piniling sumakay ni Cathy. Taas pa rin ang mga kilay nito at naka krus ang mga braso."Kailan ka pa bumalik dito?" may diing tanong nito.Nakatinginan si Clifton at Hashana gamit ang front view mirror. "This week lang," kalmadong sagot ni Clifton.Napaismid lang si Cathy saka sumulyap kay Hashana sa likod. May kaunting tampo siya dito dahil 'di man lang siya sinabihan ng babae. Naiinis din siya sa biglaang pagbalik ng ginoo. Pagkatapos nitong mawala ay ganun ganun lang kung bumalik. At nahuli pa siya sa balita!"Anong plano mo sa kaibigan at mga inaanak ko?""Cathy!""Ano? Eh wala ngang paninindigan ang lalaking 'yan, e," may halong iritasyong sagot
Ang sunod sunod na katok sa labas ng pinto ang napagising kay Hashana kinabukasan. Walang ganang inimulat nito ang mata at bahagyang inunat ang mga braso. Salubong ang kilay ng dalaga na bumaling sa saradong pintuan saka napatingin sa orasan sa pader. Ngunit mabilis lang din siyang napabangon nang makitang lagpas alas syete trenta na. Mahinang nagmumurang napatayo siya at lumapit sa pinto upang buksan ang panauhing patuloy na kumakatok. Ang ina niya ang nasa labas. "Kanina pa kita kinakatok dito. Hinatid na ni Clifton ang mga bata. Mag-ayos ka na dahil nasa baba si Cathy.""Si Cathy?""Oo, kaya maligo ka na. May pasok ka pa 'di ba?"Napakamot si Hashana sa kanyang kilay. "Pakisabi na lang kay Cathy na susunod ako. Mag-aayos lang po ako.""Sige, bilisan mo. Late ka na sa trabaho.""Opo,"Iniwan ng ginang ang anak kaya nag-ayos na si Hashana sa sarili. Minadali lang niya ang pagligo. Ni hindi na nga niya natali ang buhok matapos iyong i-blower. Basta't lumabas na lang siya sa kwarto n
Walang masama kung manindigan sa sariling prinsipyo. Ang masama ay iyong pilit mo itong pinapatatag pero ginigiba lang din ng ibang tao. At para kay Hashana, ang binubuo niyang paninindigan sa sarili ay unti-unting dinudurog ni Clifton. The man that knows nothing but to play ironically with her. "Hindi ka pa ba uuwi?" Malditang tinapik ni Hashana si Clifton na pumipikit pikit ng nakahiga katabi ni Cheslyn. Nakuha na naman nito ang hangaring pumunta sa bahay nila. Ang kapal pa ng mukha at nakikain pa talaga ng hapunan. Kung wala lang ang mga bata sa paligid. Kanina pa niya binulyawan ang lalaki at pinalayas. Suwerte lang nito at malakas ang loob na mamalagi sa pamamahay nila dahil pabor ang magulang niyang bumisita ang lalaki para makabawi sa mga bata. Nagpipigil na lang sa galit na nahilot ng dalaga ang noo nang umungol lang si Clifton at pumikit ulit. "Aalis ka o bubuhusan kita ng tubig dito."Napamulat ang inaantok na mata ni Clifton sa wika ng dalaga. Namumungay ang mata nit
Bumuba ang salamin ng sasakyan at sumilip doon ang gwapong mukha ng doktor. "Pauwi ka na? Get in. Ihahatid kita.""Tapos na work mo?""Yes, papauwi na din ako pero nakita kita dito. I think it's a good timing," wika nito at nalipat ang mata sa bitbit niyang bulaklak. Mas lalong lumawak ng ngiting nakapaskil sa labi ng binata. "The flowers suits you. Maganda."Nakangiting umiling lang siya. "Get in. Hindi mo ba nadala ang kotse mo? Ngayon lang kita nakita dito."Nanumbalik sa utak niya ang eksenang ginawa ni Clifton. Kung batid lang nitong inagawan siya ng kotse ng walang hiyang lalaking 'yon! "May dala, doc. Kaso may sira ata–"Ang malakas na sunod sunod na busina ng kotse ang nagpatahimik kay Hashana. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang mabilis na harurot ng sasakyan patungo sa puwesto nila ng binatang doktor. Naningkit ang mata niyang sinundan ng tingin ang sariling kotse na walang ingat na pumarada sa unahan ng sasakyan ni doc Bayones. Iniluwa doon ang mabangis na anyo ni Clift
"Good evening po, doc!""Good evening, sir!""Magandang gabi po, sir!" Magkapanabay na bati ng mga ito. Si Hashana ay walang imik lang sa gilid at sinupil ang labi. "Hindi magandang pakinggan sa loob ng ospital ang mga empleyadong nagtsitsismisan. Please manage your voice next time. I don't like seeing my employees gossiping about other people's lives. Please make sure to discuss this when you're not inside this healthcare institution."Istriktong pinasadahan ng tingin ni Clifton ang mga kinakabahang nurses. Napayuko ang mga ito at kabadong pinag-taob ang mga palad. Humantong ang mata ng ginoo kay Hashana na malayo ang tanaw. Hindi man lang siya binigyan ng pansin. Tss! "Sorry po, doc. Hindi na po mauulit.""Sorry, doc.""Just make sure to be professional and responsible next time. You can leave."Sabay na nakayukong tumango ang mga ito saka maingat na nilagpasan ang direktor. Nauna ang kasama ni Hashana at sinadya naman niyang magpahuli. Ang iba ay nakalabas na sa glass door ng ho
"I hope you can come.""Susubukan ko. Salamat pala sa pag-imbita," sabi niya. Ang akala niya'y aalis ito ngunit mataman lang siyang pinagkatitigan ni doc Bayones. Puno ng misteryo ang titig nito na kahit ilang ulit niyang sinubukang sisirin ang ideyang naglalaro sa mata nito ay hindi niya nasusungkit ang gustong malaman. Napalunok siya at umiwas ng tingin. Alanganin siyang ngumiti at nauna ng nagsalita para magpa-alam. "I have to go, doc. Tapos na break time ko, e." "Yeah, you can go."Ngumiti lang siya at tumalikod dito. Dumaan muna siya sa lounge upang ihatid ang laptop at ilagay sa locker ang letter na nai-print. "Nagawa mo ba ang ibinilin ko?" Walang emosyong tanong ni Clifton na hindi inaangat ang tingin sa babaeng nurse. "Opo, doc, nailagay ko na kanina ang bulaklak sa locker niya. May iba pa po ba kayong kailangan?""Did you take photos on her?""Opo, ito po."Dali-daling inilahad ng babae ang cellphone na ibinigay ni Clifton kaninang umaga para palihim na kunan ang mga
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen