Vina's POV
Siyempre hindi pa rito nagtatapos ang paguusap namin. Pinatawag ko si Nikolai para naman ma-witness niya ang resulta ng sariling kalokohan niya.
Umigting ang panga niya habang nakahulikipkip siyang nakatingin sa babae ganoon din ako na nakaupo pero hindi naman ito makatingin ng diretso sa amin.
Nakatayo lang si Nikolai sa tabi ng lamesa ko habang nakaupo naman ako hindi umalis sa pwesto ko.
"Anong kalokohan ito, Venice?" Patuya niyang tanong sa babae at tinawanan ito.
"Alam mong hindi kita nagalaw kaya bakit mo naman ipapaako sa akin iyan?" galit niya pang dagdag nang komprotahin ito.
Yumuko lang naman ang babae at doon na nga umiyak. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa kadramahan nito pero sige pagbibigyan ko.
"Obviously, para makuha ka." Ako ang sumagot kaya napatingin sa akin si Nikolai pero nasa babae lang ang tingin ko. "Masiyado kang estupida."
Hindi ko gusto makapagsalita ng hindi maganda kanina pa pero pinag-iinit talaga ng babaeng ito ang ulo ko.