Umiiyak ako habang naka-park sa gilid ng kalsada, sa loob ng sasakyan kong tila naging saranggolang wala nang direksyon. Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko. Pilit kong pinapawi ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo, pero paulit-ulit lang bumabalik sa isipan ko ang mga salitang tumaga sa puso ko kanina—ang medical record na nagsasabing baog ako, at ang bawat masakit na salita na ibinato ni Larkin na parang wala akong kahit anong naging halaga sa buhay niya.
"You’re not wife material. You’re just… a passing phase. A sterile chapter.”
Paulit-ulit 'yon sa tenga ko. Parang sirang plaka. At sa bawat pagbalik ng linyang iyon, para akong sinasaksak sa dibdib.
Sumandal ako sa manibela, ipinikit ang mga mata, at saka muling humikbi. Akala ko, ubos na 'ko. Akala ko, hindi na ako makakaramdam ng ganitong sakit pagkatapos ng lahat ng iniwan niya sa akin. Pero mas malalim pala ang sugat kapag kinumpirma ng papel ang pangungulila mo sa isang bagay na hindi mo kailanman makakamtan—isang anak